PHOTOS: Tawag Ng Tanghalan Kids Year 2 Grand Finals | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PHOTOS: Tawag Ng Tanghalan Kids Year 2 Grand Finals

PHOTOS: Tawag Ng Tanghalan Kids Year 2 Grand Finals

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Apr 21, 2024 06:39 PM PHT

Clipboard

Napagtagumpayan ng resbaker na si Kim Hewitt na masungkit ang titulo bilang ikalawang kampyeon ng Tawag ng Tanghalan Kids matapos niyang makuha ang pinakamataas na combined total scores mula sa mga hurado sa trending na 'Huling Tapatan' nitong Sabado, Abril 20.

"I feel happy and thankful to God and my coach. I also dedicate my win to my mom, who helped me a lot throughout my journey," ani ni Kim matapos tanghalin bilang bagong kampyeon.

Naging mahigpit nga ang laban sa final round ngunit nanaig si Kim sa dulo nang makuha niya ang total combined score na 96.7% habang sina Dylan Genicera ay nakakuha ng 96.6% at sinundan ni Aliyah Quijoy na may 96.5%.

Nag-uwi ng bata mula sa Dumaguete ang P500,000, P300,000 worth of learning and home showcase, isang management contract sa ilalim ng ABS-CBN Music, at espesyal na trophy.

ADVERTISEMENT

Nakuha ni Kim ang boto ng mga huradong sina Jason Dy, Frenchie Dy, John Rex Baculfo, Roselle Nava, Christian Bautista, Jamie Rivera, Tutti Caringal, Katrina Velarde, Elha Nympha, at punong hurado Gary Valenciano matapos niyang mapabilib ang mga ito sa kanyang bersyon ng "I Don't Wanna Miss A Thing na naging winning song din ng naunang "TNT Kids" grand champion John Clyd Talili.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.