Vice Ganda, pinaiyak ang mga tao sa It’s Showtime studio | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice Ganda, pinaiyak ang mga tao sa It’s Showtime studio | It’s Showtime

Vice Ganda, pinaiyak ang mga tao sa It’s Showtime studio | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 04, 2025 03:01 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Hello sa mga puyat kaka-stalk kay crush! Heto ang effective pampagising. Mas matapang pa sa kape ang kulitan sa 'Ansabe' na itatas ang energy mo today. 

Simulan natin ang hulaan with Team A nina Vhong Navarro, Darren Espanto, Teddy Corpuz, Cianne Dominguez, Ayesha, and buli-lip reader Kulot.  

Yas, gurl! Si Kelsey naman ang pambato ng teammates niyang sina Ogie Alcasid, Jugs Jugueta, Lassy, Macky Empuerto, at Argus. 

Tuloy-tuloy pa rin ang lucky streak ni Ryan Bang. Mula sa kan'yang panalo kahapon, dinaan ng Team Ryan sa bilis ang laban. Triple tie ang mga grupo sa 'one point' pero team nina Ryan ang may pinakamabilis na oras. Kaya sina Ryan, buli-lip reader Jaze, MC, Briseis, at Lorraine Galvez ang ligtas sa FUNishment.

ADVERTISEMENT

Winner din si TNT Resbaker Jo Pasaron, na pasadong-pasado hindi lang sa tanghalan, kundi pati na sa licensure exams for registered medical technologists. Kahit pinagsasabay ang TNT at pagre-review, worth it ang hard work ni Jo. 

Isang sorpresa ang sumalubong sa mga natitirang pangkat sa ‘Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak.’ Dahil sa halip na isang batch ng ‘versusan,’ dalawang set ng contenders ang naghaharap-harap sa araw na ito. 

Sa first round, unang nabunot ang pangalan nni Lee’Anna Layumas ng Pangkat Alab. “Believe” ni Cher, bitbit niya sa entablado, no pressure, just enjoy the show. Sabi ni Punong Hurado Ogie Alcasid, napakaraming ‘intangibles’ sa performance ni Lee’Anna. 

Si Rachel Gabreza naman ang pambato ng Pangkat Agimat. Mga tagapakinig ay dinala niya sa ibang dimensyon sa pag-awit ng “Over The Rainbow.” Pinuri ni hurado Pops Fernandez and strength and power ni Rachel sa pagkanta.

Para sa Pangkat Alon naman, si Eunice Encarnada ang lumaban. Jazz ng atake ni Ate, na kinanta ang “Ain’t No Other Man.” Ang representative ng Pangkat Alon, nakakuha ng standing ovation mula sa tatlong hurado. Sabi ni hurado Jed Madela, si Eunice ay parang pinaghalong Jaya at Lani Misalucha. 

ADVERTISEMENT

Matapos ang unang round ng salpukan sa tanghalan, si Eunice ay nakakuha ng score na 99% na siyang pinakamataas na grado sa tatlong lumaban. 

Para sa second batch ng performances, unang sumalang sa entablado si Dior Bronia ng Pangkat Alon. Parang concert ang feels with his show-stopping version of "(I Can't Get No) Satisfaction." Bukod daw sa pagsali sa contests, kinakarir ni Dior ang mga raket bilang hotel singer kung saan ang pinamalaking tip na nakuha niya ay 21, 000 pesos sa loob ng isang gabi. Samantala, libu-libo rin ang paghanga ni hurado Jed sa pagiging consisent ni Dior sa entablado. 

Bumuhos ang emosyon sa studio dahil sa mapusong pag-awit ni Pangkat Alab representative Mark Justo ng OPM classic na "Kanlungan." Mas na-senti mode ang lahat sa kuwentuhan nina Mark at ng 'Showtime' family, na nagpaalala na huwag sayngin pagkakataon dahil mabilis lamang lumipas ang panahon. Sabi ni hurado Pops, walang duda, tumagos sa puso niya ang kanta.

Mas pinasarap pa ni Tenten Pesigan ng Pangkat Agimat ang laban sa bersyon niya ng "Making Love Out of Nothing At All" na perfect blend of power and emotion. Sabi ni Punong Hurado Ogie, na napatayo matapos ang performance, isang masterclass in alto singing ang ipinakita ni Tenten.

Sa Round 2, isinara ni Tenten (na nakakuha ng gradong 98%) ang score ng Pangkat Agimat sa apat, kaya panay-pantay na ang scores ng tatlong Pangkat.

ADVERTISEMENT

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.