Miah, Nowi, Raven at Jezza, napili ng Madlang People na pabalikin sa TNT stage! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Miah, Nowi, Raven at Jezza, napili ng Madlang People na pabalikin sa TNT stage! | It’s Showtime

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Apr 21, 2025 06:13 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakabalik na ba ang mga feeling ‘main character’ from Holy Week break? Mukhang sinulit ng Showtime hosts ang bakasyon para makapag-relax at recharge. Si Ion Perez, feeling refreshed and more fit, proud na nabawasan ng ilang percent ang fats niya. Syempre, proud din si wifey. Eh, ano naman kaya ang bago kay Meme? 

Kung feeling bitin ang bakasyon, pwede namang i-extend ang good vibes kasama ang Showtime family! Tunghayan ang natatanging pagpupugay sa brilyo at puso nina Superstar Nora Aunor at Asia’s Queen of Songs Pilita Corales, at ang pagsisimula ng The Final Comeback sa Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025.

Not for summer fling only, but everlasting connection ang hanap ng matchmate at mga hakbangers sa ‘Step In the Name of Love.’

Nakilala natin ang chinita beauty queen na si Lorraine and her hype bestie, Vince. Matapos magkakilala sa isang pageant, kinoronahan na nila ang isa’t isa as best friends. Finlex ni Vince ang pagiging all-around ni Lorraine pagdating sa pag-ibig, dahil all types of love languages, nasa bokabularyo ni Lorraine. Dahil ipinanganak sa isang mayamang pamilya, medyo ‘high maintenance’ nga lang ang BFF niya, na pwedeng maging red flag sa iba. 

ADVERTISEMENT

But, for ‘hakbangers’ Raphael, Jay-R, and Axel, walang problema sa pagiging high maintenance. They even consider it a green flag that Lorraine wants nothing but the best. No issue rin sa kanila ang naging 14-year relationship ni Lorraine sa kan’yang ex-boyfriend. Kaya lahat ay napa-step up sa parehong rounds ng getting-to-know-you stage. 

Napangiti naman ang mga boys nang makita ang picture ni Lorraine. Sino ba naman ang hindi kikiligin ‘pag nasilayan ang kagandahan ng dalaga, na at 32 years old ay fresh na fresh ang aura. 

Pero nang si Lorraine na ang may ‘k’ na magpa-step up or step down, naging honest ang binibini at pinababa si Axel. Though she found him attractive, hindi niya bet ang mga bad boy na datingan. Cute smile naman ang napansin niya kay Jay-R pero feeling niya hindi sila match base sa mga sagot ng binata.  

Si Lorraine, mukhang perfect from head to toe, meron bang makaka-match ang kan’yang puso. Para kay ‘hakbanger’ Raphael, lahat naman ay mapag-iipunan at mapaghahandaan, basta ang love, game niyang susugalan. So, step up ka na Rapahael! Dahil para kay Lorraine, ‘yung spark ay sa’yo niya na-feel. 

Sa pamamaalam ni National Artist for Film and Broadcast Arts at nag-iisang ‘Superstar’ Nora Aunor at ‘Asia’s Queen of Songs’ Pilita Corrales,  hindi mawawala ang kinang ng kanilang bituin at ang mga naging kontribusyon nila sa larangan ng sining, kabilang na ang pagiging bahagi nila sa patimpalak ng bayan, ang Tawag Ng Tanghalan. Si Nora ang Tawag Ng Tanghalan champion noong 1967. Si Pilita naman ay naging hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime

ADVERTISEMENT

Ating alalahanin ang kanilang kislap at puso sa pamamagitan ng isang awitin. Isang madamdaming tribute ang handog ng ‘Showtime’ family sa pangunguna nina Vice Ganda, Ogie Alcasid, Pops Fernandez, at TNT champs Rea Gen Villareal at JM Yosures. 

Mga tinig na naghihimagsik, nagbabalik para sa kampeonato na nais makamit. Simula na ng ‘The Final Comeback’ sa Tawag Ng Tanghalan All-Star Grand Resbak 2025. 

Noong April 12, inanunsyo ng programa na 8 mula sa 33 na natanggal na resbakers ang bibigyan ng huling pagkakataong makasali sa finale ng kumpetisyon. Apat ang magmumula sa Hurados’ Choice at apat naman ay mapipili sa pamamagitan ng boto ng Madlang People. 

Sa araw na ito, pinangalanan ang mga resbakers na nagbabalik! Mula sa Hurados’ Choice – Eunice Encarnada, Shawn Hendrix Agustin, Makki Lucino, at Ayegee Paredes. Samantala, ang apat na may pinakamataas na online votes ay sina Jezza Quiogue (22.31%), Raven Heyres (19.59%), Nowi Alpuerto (11.65%), at Miah Tiangco (9.47%). 

Agad-agad sinimulan ang salpukan ng mga boses na palaban! Sa araw na ito, apat ang pinili ng mga hurado sa unang round ng ‘versusan.’ Concert-feels ang hatid ng ‘Say A Little Prayer’ ni Eunice, na pinuri ni hurado Erik Santos for her edgy vocal style, bagama’t nakulangan ang hurado sa ipinamalas ng mang-aawit. 

ADVERTISEMENT

Standing ovation naman ang nataggap ni Shawn sa pagkanta ng ‘Habang May Buhay.’ Kinumpara ni Vice Ganda si Shawn sa TNT Boys, samantala, pinuri ni hurado Marco Sison ang sincerity ng 12-year-old resbaker.

Killer vocal prowess ang panlaban ni Nowi, na binigyan ng kakaibang bersyon ang “Killing Me Softly.” Unique ang areglo, sabi ni hurado Pops Fernandez, pero naging honest rin ang hurado sa pagpuna sa mga shaky notes ni Nowi. Sabi ni Pops, “ang daming pinuntahan ng kanta.” 

Laban na laban si Raven sa pagbirit ng “Gusto Ko Nang Bumitaw,” na in-enjoy ni hurado Nyoy Volante.

Sa huli, ang top 2 scorers lamang ang aabante sa Huling Tapatan. Mula sa batch na ito, pasok na sina Raven (97.8% score) at Shawn (97% score). 


Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

ADVERTISEMENT

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.