Tatlong Golden Buzzers mula kina Kathryn, FMG, at Donny ang natitira para sa susunod na auditionees ng “Pilipinas Got Talent” Season 7 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatlong Golden Buzzers mula kina Kathryn, FMG, at Donny ang natitira para sa susunod na auditionees ng “Pilipinas Got Talent” Season 7

ABS-CBN Studios

Clipboard

Labis na pinabilib ni JB Bangcaya ang mga hurado lalo na si Eugene Domingo na hindi napigilan piliin siya bilang Golden Buzzer act niya noong Sabado (April 12) matapos ang ipinakita niyang matinding fire balancing act. 

Mula umpisa hanggang natapos ang kanyang performance ay hindi binigo ng kusinero mula sa Muntinlupa ang mga hurado sa kakaibang fire balancing act kung saan binalanse niya ang ilang sirang gulong gamit ang iba't ibang parte ng kanyang katawan. Tinapos niya ang performance niya sa paglagay ng fireworks sa kanyang ulo habang gumagawa ng fire dancing tricks.

Para nga kay Eugene, deserve ni JB na dumerecho ng live semis dahil sa ipinamalas niyang talento. Bukod dito, gusto niyang bigyan ng bagong pag-asa ang lalaki matapos ang mga matitinding pagsubok na pinagdaanan nito.

Ayon kay Donny, itong klaseng act na ito ang pinaka-iintay niyang mapanood bilang isang judge. Samantala, nabanggit ni FMG na ito ang kanyang unang beses makita ang ganitong klaseng act. Proud naman si Kathryn maging isang Pilipino dahil sa ginawa ni JB. Dagdag ni Kathryn, siguradong proud ang parents ni JB sa napanood nila.

ADVERTISEMENT

Ang "Golden Buzzer" ay isang special privilege ng apat na judges at hosts na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan na maghatid ng isang act diretso sa live semis. Isang Golden Buzzer lang ang pwedeng gamitin ng bawat judge at hosts sa buong auditions. Sa ngayon, dalawang Golden Buzzers na ang nakuha matapos gamitin ito nina Robi at Melai at ni Eugene. Tatlong Golden Buzzers na lang ang pwedeng makuha ng auditionees.

Abangan ang iba pang nakakamanghang performances sa “Pilipinas Got Talent” Season 7, tuwing weekend, 7:15PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live (KOL), at A2Z. Available rin ang programa sa nasabing timeslot sa TV5 tuwing Sabado at 7:45PM naman tuwing Linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.