Salpukang Coco-Christopher sa “FPJ’s Batang Quiapo,” nagtala ng 12M online views | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Salpukang Coco-Christopher sa “FPJ’s Batang Quiapo,” nagtala ng 12M online views

Salpukang Coco-Christopher sa “FPJ’s Batang Quiapo,” nagtala ng 12M online views

ABS-CBN Studios

 | 

Updated Feb 25, 2025 12:55 AM PHT

Clipboard

Tinutukan ng sambayanang Pilipino ang maaksyong episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” noong Biyernes (Pebrero 21), kung saan nagtala ito ng mahigit 12 milyong total views sa YouTube sa loob lamang ng dalawang araw. Record-breaking din ang episode dahil mahigit isang milyong Pilipino ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube na may 1,004,554 all-time high peak concurrent viewers.

 Ito ang unang beses na umabot sa isang milyon ang sabay-sabay na tumutok sa serye sa pamamagitan ng naturang livestream. Ito rin ang ika-apat na magkakasunod na gabi kung saan nagtala ang serye ng lampas 800,000 live concurrent viewers.

Sa pinakahuling episode, tinutukan ng viewers ang umaatikabong ratratan kung saan walang humpay ang maaaksyong engkwentro ng mga karakter nina McCoy De Leon, John Estrada, Christopher De Leon, at Coco Martin. Pinakita rin dito ang matagal nang inabangan na muling paghaharap ng mortal na magkaaway na sina Tanggol at Ramon (Coco at Christopher), kung saan isiniwalat na sa kanila ang pasabog na rebelasyon na sila ang tunay na mag-ama.

Patok na patok sa netizens ang makapigil-hiningang episode kung saan iba’t ibang reaction videos ang ibinahagi nila sa social media.

ADVERTISEMENT

Sa mga susunod na episode ng “FPJ’s Batang Quiapo,” lalong titindi ang banggaan ng mga magkaaway dahil magsasanib-pwersa na sina Tanggol at Ramon para sa nakatakdang mas malaking bakbakan. 

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para makanood sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.