Ricky Lee's eulogy for Nora Aunor: Ate Guy as artist, superstar, human
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ricky Lee's eulogy for Nora Aunor: Ate Guy as artist, superstar, human
ABS-CBN News
Published Apr 22, 2025 02:32 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ricky Lee, Nora Aunor's close collaborator and fellow National Artist for film and broadcast arts, was among those who gave a eulogy for the late screen icon during the state necrological service held on Tuesday (April 22).
Here is the full eulogy of the "Himala" screenwriter:
Noong 1993 ay naglibot sa iba't ibang mga bansa ang dulang "DH" na sinulat ko at pinagbidahan ni Guy. Nagpunta kami sa Central Park sa Hong Kong, daan-daang DH ang nandoon. Halos bawat isa ay niyayakap ni Guy, kinakausap, kinukumusta kung ano na ang mga problema nila.
Noong paalis na kami, lumingon ako at nakita kong tumatakbo sa kalsada ang mahigit sampung DH—lumuluha habang humahabol sa van.
Naisip ko, "Bakit ganito ang epekto ni Guy sa mga tao? Bakit sila umiiyak?" Alam ko kung bakit. Dahil nakikita nila si Guy sa kanilang mga sarili—sila si Guy.
Una kong nakilala si Guy noong gawin namin ang "Himala." Noong gabi, bago ang shooting ng finale, kung saan sinabi niyang, "Walang himala!", ni-revise ko ang buong monologue. Sinabi ni Isma kay Guy, "One take lang tayo bukas dahil tatlong libo ang extra at walo ang camera." "Opo, direk," sabi ni Guy.
Kinabukasan, i-diniliver ni Guy ang monologue sa harap ng libong mga tao na karamihan ay Ilokano at hindi naiintindihan ang sinasabi niya. Pero nasa puso ni Guy ang masa—may paraan siya ng pag-konekta sa kanila na hindi laging nangangailangan ng mga salita.
Naging matalik na kaibigan ako ni Guy nang gawin namin ang "Andrea, Paano ba Ang Maging Isang Ina" na siya ang producer. May nagpasabi kay Guy na makakapasok lamang ang "Andrea" sa Metro Manila Film Festival kung babaguhin ang ending. Doon kasi sa ending ay binaril si Andrea ng mga sundalo, point-blank sa ulo. Dapat daw ay nagtatangkang tumakas si Andrea kaya siya binaril.
"Huwag na lang natin isali kung babaguhin ang ending," sabi ni Guy. Nanindigan siya at tinanggap pa rin ang "Andrea" kung saan naka-grandslam siya as best actress.
Rebelde si Guy. Sa loob ng pitong dekada ay nilabanan niya ang status quo. Binago niya ang kolonyal na pagtingin na nagsasabing mapuputi lang at matatangkad ang maganda sa puting tabing. Ginampanan niya ang papel ng mga babaeng palaban at makatotohanan. Naging madre siya, bilanggo, lesbian, NPA, OFW, kabit, anak na naging kaagaw ng ina sa pag-ibig, alalay, [...], kontrabida, Muslim, Igorota, binukot, may dementia, [at] mamamatay tao.
Sa isang panahong hindi tanggap ng mga tao na namamatay ang bida sa ending, namatay siya sa "Tatlong Taong Walang Diyos," "Himala," "Nakaw na Pag-Ibig," "Andrea," "Flor Contemplacion," at iba pa.
Marami siyang binasag at binagong paniniwala. Ipinakita niyang mahalaga ang nararamdaman ng mga taong nasa gilid ng lipunan. May mga boses na kailangan pakinggan. Pinili niyang huwag lang maging "superstar" kundi maging tunay na artista ng bayan.
Nilagyan niya ng hugis ang ating mga damdamin. Binigyan niya ng direksyon ang ating mga aspirasyon. Binigyan din niya tayo ng pag-asa at tinuruang puwede tayong lumaban upang matupad ang ating mga pangarap. Ipinakita niya sa atin ang kapangyarihang hindi natin akalaing meron pala ang ordinaryong tao. Ginawa niyang totoo ang ibig sabihin ng "sining."
Minsan nang tanungin ko si Guy kung bakit laging malungkot at puno ng damdamin ang mga mata niya, sabi niya, pinaglihi daw kasi siya ng ina niya sa Mater Dolorosa, 'yung birhen na may pitong punyal sa puso. Kaya siguro kahit na nakatawa siya, sa mga mata niya ay may lungkot pa rin.
Puno ng kontradiksyon si Guy. Simple pero komplikado. Laging nakangiti pero sa loob ay maraming takot. Sobrang mahiyain pero sentro ng atensyon. Napakataas at nasa pedestal pero napakadaling maabot. Isang taong ordinaryo na ekstra ordinaryo.
Sa loob ng halos pitong dekada, tayong mga ordinaryong tao ay ginawa rin niyang ekstra ordinaryo. Kaya siguro madalas ay hindi natin malaman kung anong gagawin sa kanya. Hahangaan lang ba natin siya? Sasambahin? Gagayahin? Pag-aaralan?
Bata pa man ay inangkin na natin siya. Hiningi natin ang boses niya, ang buong buhay niya at ng pamilya niya. Ang katahimikan niya. Pinakialaman natin bawat galaw niya. Hiningi nating maging ganito siya, maging ganoon siya. Binansagan natin siya ng kung ano-ano. Tinanggalan ng boses hanggang hindi na makakanta.
Dalawang beses na pinagkaitan na maging National Artist. Iniwasan ng maraming producer dahil marami raw sakit, mahirap daw maka-trabaho.
Kalat na kalat ang mga kwento kung gaano kagalante si Guy. Kapag may nangangailangan, pauutangin niya agad. Ang sweldo niya sa last shooting day ay ipinamimigay niya sa crew at iba pang mga tao sa set. Namigay siya ng pera sa mga preso noong shooting ng "Flor Contemplacion."
Hindi naging madali ang buhay ni Guy nitong mga nakaraang taon. Marami siyang sakit at naghirap siya, halos walang mga ari-arian. Pero hindi pa rin siya tumigil ng pag-iisip para sa kapakanan ng iba. Gusto niyang magtayo ng isang foundation na tutulong sa mga fans at iba pang mga nangangailangan.
Buong buhay ni Guy, nagbigay siya nang nagbigay, hanggang sa halos wala nang natira sa kanya. At tayo, dahil nasanay na tayong bigay siya nang bigay, madalas ay nakakalimutan natin na siya man ay mga pangangailangan din.
Kaya sa gitna ng ating pagdadalamhati natin ngayon, gusto natin sabihin sa kanya: Guy, sa ngalan ng milyon-milyong mga taong pinukaw mo, niyakap mo, pinahid mo ang luha, binago mo ang buhay, tanggapin mo ang aming walang hanggang pasasalamat.
Nagpapasalamat kami na nabuhay kami sa isang panahong naririto ka. Minsan lang mangyayari ang isang Nora Aunor. Pero hindi pa tapos ang kwento mo, nagsisimula pa lang. Ang pangalan mo ay pangalang sasambitin namin lagi nang walang pagod sa mga susunod pang henerasyon upang hindi nila makalimutan kailanman na minsan sa isang ginintuang panahon ay may isang bituing walang kupas na nagningning sa kalangitan ng ating mga buhay. Minahal mo kami nang lubos maski na halos ay walang natira para sa sarili mo. Hayaan mong mahalin ka rin namin hanggang sa walang hanggan.