Marcelito Pomoy, patuloy ang pag-ani ng paghanga sa buong mundo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marcelito Pomoy, patuloy ang pag-ani ng paghanga sa buong mundo

ABS-CBN News,

Mye Mulingtapang | TFC News Milan

Clipboard



Muli na namang nagpabilib ang Filipino singing sensation na si Marcelito Pomoy.

Setyembre 2024 nang muling gumawa ng ingay si Marcelito sa isang espesyal na tribute performance sa “Tú sí que vales.”

Ang “Tú sí que vales” ay isang prestihiyosong talent show na may format na katulad ng “Got Talent” franchises.

Nagbibigay ito ng oportunidad sa global performers na magpakitang-gilas sa harap ng mga hurado at audience sa Italya.

ADVERTISEMENT

Binigyang pugay ni Pomoy si Andrea Bocelli sa pag-awit niya ng “The Prayer,” at tulad ng inaasahan, nakatanggap siya ng standing ovation mula sa audience. Muli rin niyang pinatunayan na ang galing ng Pinoy ay maipagmamalaki sa kahit saan mang panig ng mundo.

"Syempre nakaka-proud bilang isang Pilipino,” ani Pomoy, “kasi namangha din naman silang lahat sa song na Italian, “The Prayer” yung kinanta ko, di ba?"

Sa ekslusibong payanam sa TFC News, ikinwento ni Pomoy ang bagong landas na tinatahak niya kasama ang bagong manager. Excited din siya sa kanyang bagong album na pinamagatang “Duet Myself.”

Kabilang sa mga kanta rito ang “Vincerò,” “Vincerò,” “Tonight I Celebrate My Love,” at ang 2024 na bersyon ng “The Prayer.”

"Sobrang hindi ako makapaniwala,” bahagi ni Pomoy. “Syempre sa tulong na rin ng manager ko na Hungarian kasi ‘yung manager ko. Tiwala siya sa talento ko kaya sobrang happy ko."

ADVERTISEMENT

Ayon pa kay Pomoy, ang “Duet Myself” album ay sumasalamin sa kanyang paglalakbay sa larangan musika at sa buhay.

Pinagsasama nito ang kanyang pambihirang kakayahang umawit sa parehong male at female registers, na nagbibigay-buhay sa mga awitin sa isang natatanging paraan.

Dama ang emosyon at dedikasyon ni Pomoy sa bawat kanta. Opisyal na inilabas ang album niya noong Nobyembre.

"Sana ay makilala talaga rito sa Europe,” aniya. “Ang kanta ko kasi is hindi siya Tagalog, English and Italian ang mangyayari so sa dalawang album na ‘yun."

Unang sumikat si Pomoy nang manalo sa “Pilipinas Got Talent” noong 2011. Ginamit niya ang kanyang natatanging talento upang makilala sa international stage.

ADVERTISEMENT

Taong 2020 naman nang masaksihan ng buong mundo ang kanyang kakayahan sa “America's Got Talent: The Champions.”

Ang kanyang emosyonal na ballads at flawless vocal transitions ay nag-viral at iniwan ang mga hurado at manonood na manghang-mangha sa kanyang pambihirang pag-awit gamit ang parehong boses na pang-lalaki at pang-babae.

Mula noon at hanggang ngayon ay patuloy si Pomoy sa pagpapabilib sa mga manonood gamit ang kanyang talento.

Kasabay ng paglulunsad ng kanyang bagong album, patuloy siyang nagtatanghal sa mga concert sa iba't ibang bansa hindi lamang para maghatid ng aliw sa mga manonood, kung hindi ay para ipamalas din na ang talento at dedikasyon ng mga Pilipino ay maaaring maging daan sa pagkilala sa kanila sa mundo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.