Jose Mari Chan, ikinatutuwa ang mga naglabasang meme | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Jose Mari Chan, ikinatutuwa ang mga naglabasang meme

Jose Mari Chan, ikinatutuwa ang mga naglabasang meme

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 01, 2021 11:29 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Isang karangalan para sa batikang mang-aawit na si Jose Mari Chan ang naglalabasang mga meme sa social media ngayong pumasok na ang panahon ng Kapaskuhan.

Sa programang "Sakto" ng TeleRadyo nitong Miyerkoles, sinabi ni Chan na tila pagtanggap ng papuri ang mga naglalabasang meme tuwing sasapit na ang buwan ng Setyembre.

"I feel complimented that I'm associated with the most joyful season of the year. Thank God for the music. Thank God indeed," ani Chan na kilala sa kanyang mga pamaskong awitin tulad ng "Christmas In Our Hearts" and "A Perfect Christmas."

Isa sa meme na ito ay ang pagsasama nila ng international artist na si Mariah Carey sa isang retrato. Sa quote nakalagay dito ang mga salitang "All I Want for Christmas Is Christmas In Our Hearts."

ADVERTISEMENT

"Mariah Carey, oh! She's one of my respected artists. One day it's my dream na sana she could sing one of my songs. I'm not dreaming of singing with her because I may not be able to reach her key, her pitch. Her voice is so powerful. Mine is just soothing, crooning. But if she could sing one of my song, dream come true 'yon," ani Chan.

Ikinatuwa rin ni Chan na hindi siya tumatanda dahil sa ang patuloy na ginagamit pa rin sa mga meme ay mga retrato niyang kuha may ilang taon na ang nakakaraan.

Ilan din sa mga meme na naglalabasan ay makikitang pinapalitan ang lyrics ng awitin ni Chan para maging akma ito sa nangyayaring pandemya.

Giit ni Chan ang mahalaga ay ang mensaheng hatid ng kanyang awitin.

"Remember the message of love in that song. The love of Jesus Christ, the love for our Savior and the love for our brothers, especially those who are poor, unemployed," ani Chan.

"Watching TV, the war in Afghanistan all over the world nations are not at peace. There's war, there's hatred. So remember that line 'where nations are at peace and all are one in God.' So that's my message na there should be peace on earth. Essentially that's the message of Christmas. Love is the meaning of Christmas and love is the spirit of Christmas and giving and sharing," dagdag ni Chan na hiling din na ang iba ay makatulong sa mas nangangailangan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.