Kid Yambao ng Hashtags, inaming nalulong sa droga, nakakulong ang ama, nabiktima ng scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kid Yambao ng Hashtags, inaming nalulong sa droga, nakakulong ang ama, nabiktima ng scam

Kid Yambao ng Hashtags, inaming nalulong sa droga, nakakulong ang ama, nabiktima ng scam

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa vlog ni Ogie Diaz at Instagram ni Kid Yambao

Binalikan ng miyembro ng grupong Hashtags na si Kid Yambao ang madilim niyang nakaraan kung kailan minsan siyang nalulong sa droga at ang mga pagsubok na kinaharap sa gitna ng pandemya.

Sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz, bumuhos ang luha ni Yambao habang ikinukwento kung paano niya sinisikap bumangon ngayon matapos ang mga dagok sa kaniyang buhay.

“Pinipilit kumita sa mga paraan na under new normal. Pinag-isipan ko kung ano pwede pagkakitaan at gawin,” panimula ng aktor.

Sa kanilang pag-uusap, inamin ni Yambao na dumating sa punto na naisipan na niyang lumipat ng istasyon dahil isa siya sa naapektuhan nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Yambao, siya umano ang inaasahan ng kaniyang pamilya kaya kailangan nitong kumayod. Dito tuluyang nabuksan ang nakaraan ng aktor kung saan ibinahagi niya na gumamit siya ng ilegal na droga noon.

Nasubukan aniya halos lahat ng ilegal na droga kagaya ng shabu, marijuana, cocaine at party drugs.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bata pa lamang umano siya ay nakikita na niya ito sa kaniyang ama. Bagamat pinilit na hindi tumulad sa ama, napilitan umano siyang gumamit kinalaunan upang mabuhay at makakain.

Unti-unti umano siyang huminto sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot nang maapektuhan na nito ang pagtatrabaho niya sa showbiz.

Kuwento niya, may isang episode ng “Maalaala Mo Kaya” na dapat ay kasama siya ngunit dahil sa paggamit ng droga ay hindi ito nakapunta.

“Ayun ang isa sa mga nagpagising sa 'kin. Lahat na kayo parang feel ko lahat kayo galit sa 'kin. Ito nga 'yung rason para makaangat kami pero bakit ganon ginagawa ko,” pag-amin nito.

Nang tanungin ni Diaz, kung buo ba ang pamilya nito, mas lalong bumuhos ang emosyon ni Yambao na iling na lamang ang naisagot.

Dito nito binanggit na nakakulong ang kaniyang ama mula pa noong Oktubre. Nabahagi na rin niya na nawala ang perang inipon niya sa pag-aartista matapos mabiktima ng scam.

“In-invest ko sa tiyuhin ko. Ang nangyari, tinakbuhan din daw siya. So nung pandemic, wala. As in wala, ma. Walang raket, walang pera. As in, simot lahat. Binigay ko lahat. Tapos nahuli pa si erpats,” naiiyak na kuwento ni Yambao.

“Ito ‘yung ginawa sa akin ng pandemic, nawala lahat ng pera ko, nakulong ‘yung erpats ko. Dasal pa rin eh,” dagdag pa niya.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit pumayag siyang tanggapin ang BL series na “Diving Into Love” kung saan kapareha nito si Axel Torres.

Pagbabahagi ni Yambao, iniipon niya ngayon ang pera kinikita at nag-isip ng iba’t ibang negosyo upang unti-unting makabangon.

“Ang ginawa ko sa pera, inipon ko. Nag-start ako ng mga pwedeng ibenta, pwedeng gawin sa pera. Hanggang sa ‘yung na-invest ko dati na pera sa farm, biglang out-of-nowhere nag-produce ‘yung [business sa] aso ng malaking pera na nakapagbuhay ng isang buwan,” paliwanag ni Yambao.

Mayroon nang negosyong damit, sapatos, sabon at vape si Yambao sa kasalukuyan.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

'My rock, my soulmate, my love,' KD Estrada shares birthday greeting to Alexa Ilacad

'My rock, my soulmate, my love,' KD Estrada shares birthday greeting to Alexa Ilacad

Reyma Deveza,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Actor KD Estrada described actress Alexa Ilacad, who is celebrating her 25th birthday, as his "rock, soulmate and love."

In his Instagram post on Wednesday, February 26, Estrada marked Ilacad's special day as as he uploaded a reel, which shows Ilacad and their sweet moments together.

"It's your birthday, but I'm the one feeling thankful to have you in my life. Happy birthday to my rock, my soulmate, my love. (also the most beautiful girl in the world)," Estrada wrote.

Estrada and Ilacad became close while staying inside "Pinoy Big Brother" house as housemates in 2021.

ADVERTISEMENT

After their "PBB" stint, the two worked together in various projects. 

Recently, the two enjoyed their break in Hong Kong, where they celebrated Valentine's Day.

RELATED VIDEOS:







ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.