PANOORIN: 'It's Showtime' hosts, ibinahagi ang panata ngayong Holy Week | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: 'It's Showtime' hosts, ibinahagi ang panata ngayong Holy Week

PANOORIN: 'It's Showtime' hosts, ibinahagi ang panata ngayong Holy Week

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Hindi pagkain ng mga masarap, pananatili sa bahay at ang pagdarasal ang ilan lamang sa mga panata na ginagawa ng mga host ng "It's Showtime" tuwing Holy Week.

Panimula nina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, ang pagbabago sa nakagawiang pagkain ang isa sa kanilang ginagawa.

Watch more News on iWantTFC

"Ngayong Holy Week, healthy eating. Mahilig kami kasi sa chichirya," pauna ni Corpuz.

"Dati tumigil ako mag-coffee, mag-chicken. This year chicken ang sacrifice ko. Hindi ako kumakain ng manok until end of the Lent, Easter," hirit naman ni Jugueta.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay Ryan Bang, mayroon ding Mahal na Araw sa South Korea at kadalasang ginagawa nila ay ang pagsisimba.

"Tuwing Holy Week, nagsasama-sama kami. Magsisimba kami ng tatay ko. Tapos kapag dinner sasama ang nanay ko," ani Bang na ipinaliwanag na Katoliko ang kanyang ama at Buddhist naman ang ina.

Para naman kay Kim Chiu, bilang Katoliko ay ginagawa nila ang Stations of the Cross tuwing Sabado at nagsisimba tuwing Linggo ng Pagkabuhay.

"Tayo naman iba-ibang panata ang ginagawa natin, 'di tayo kumakain ng meat, naglulugaw lang. One meal a day para naman mag-sacrifice tayo sa ginagawang sakripisyo ng Panginoon para sa atin. So mag-sacrifice tayo ng kahit konti dahil parang 'yon ang kabayaran natin sa Panginoon sa ginawa niya sa atin sa pang-araw-araw na buhay na nandito tayo sa mundong ibabaw," ani Chiu.

Ang pangingilin rin sa masarap na pagkain ang isa sa mga ginagawa ni Vhong Navarro tuwing Holy Week. Pero giit niya, pangarap niyang muling magawa ang paglalakad mula Pasay hanggang sa isang simbahan sa Antipolo.

ADVERTISEMENT

"Parang 'yon ang penitensiya mo lalakarin mo pero hindi mo mapapansin ang pagod kasi ang dami mong kasamang naglalakad. Mayroon pa rin 'yan hanggang ngayon, pero 'yon ang hindi ko na nagagawa kasi. Sana ulit magawa ko," ani Navarro.

Sinang-ayunan naman ni Ogie Alcasid, ang sinabi ng mga kasamahang host. Giit ng mang-aawit, ang pinakaimportante ay sa kabila ng lahat ng mga paniniwala at ginagawang pagsasakripisyo ay ang maalala lang lagi na ang dahilan nito ay ang Diyos.

"Ang mahalaga is that what you need to do is when you are fasting, when you give up something, you are remembering na ang kailangan mo lang talaga is Christ, that's all you need. Hindi mo kailangan ng materyal na bagay, 'di mo kailangan ng mga masasarap na pagkain, 'di mo kailangang kumain ng marami, 'di mo kailangang mag-gym. all you need is Christ. I guess 'yun ang essence," ani Alcasid.

Ang pagbibigay oras naman sa Panginoon ang ginagawa ni Amy Perez tuwing Holy Week.

"Kapag Holy Week I stop and I just listen to Him kung ano ang sasabihin niya sa akin kung ano 'yung dapat kong i-reflect, kung ano ang dapat na mas maintindihan siguro. Parang this time hindi ka humihingi ng something kay Lord. Parang mas kinikilala mo siya, mas inuuunawa mo kung bakit siya nagsakripisyo para sa ating lahat. So wala akong request, 'yung tatahimik lang ako. I read the Bible, I teach my son to do memory verse. Tapos papanoorin mo sila ng kuwento ng buhay ni Jesus Christ para mas maunawaan nila at maintindihan nila na at the end ay all we need is Him," ani Perez.

Ayon naman kay Karylle, ang pagdarasal ng rosaryo ang ginagawa nila ng kanyang mga mahal sa buhay.

ADVERTISEMENT

"Every Holy Week dati nasa Subic kami nag-i-Station of the Cross kami with matching songs. Pero dahil nag-pandemic gumawa kami ng The Holy Rosary: Roses for Mary puwede niyo 'yang hanapin sa Spotify. So we pray together. Ako 'yung pinaka-biggest challenge ko inaamin ko is praying. I have such a hard time praying. So gustong-gusto ko 'yung may guide," ani Karylle.

Para naman kay Ion Perez, ang penitensiya sa pamamagitan nang paghampas sa likod ang nakalikahan niyang ginagawa. Ngayong Banal na Linggo, kung mabibigyan ng pagkakataon ay uuwi siya para magbigay alalay sa mga magpepenitensiya sa kanilang lugar.

"Tradisyon namin 'yung palaspas, 'yung hinihiwa sa likod. Every Friday 'yon as in habang tirik na tirik ang araw, naglalakad kami tapos hindi namin alam na, kung 50 kaming namamanata, lahat kami habang naglalakad umiiyak pala kaming lahat. Parang 2018 na yata 'yung last ko na ginawa 'yung palaspas. Ngayon siguro ang gagawin ko kung wala kaming gagawin ni Meme (Vice Ganda) baka uuwi na lang ako at mag-a-assist ako sa mga magpapanata sa amin, ganun 'yung ginagawa namin," ani Perez.

Tradisyonal din ang panata ng pamilya ni Jackie Gonzaga. Aniya, ang pananatili sa bahay at hindi pagsasaya tuwing Banal na Linggo lalo na tuwing Biyernes Santo ang nakagawian nilang gawin.

"Usually hindi kami umaalis kapag Holy Week eh kaming pamilya talaga. Hindi kami nagbi-beach; nagbi-beach kami after. Kasi naniniwala kami na kapag Holy Week bawal magsaya sa bahay ka lang. Tapos nanonood kami ng Passion of Christ. At prusisyon, cuatro cantos 'yon sa Antipolo, 'yun ang pinakamahabang prusisyon tuwing Biyernes Santo," ani Gonzaga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.