Angeline Quinto, gumaling na sa COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angeline Quinto, gumaling na sa COVID-19

Angeline Quinto, gumaling na sa COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang saya sa tuluyan niyang paggaling mula sa coronavirus (COVID-19).

Sa pinakabagong vlog ni Quinto, ipinakita ng mang-aawit ang negatibong resulta nang pinakahuli niyang RT-PCR test.

Ginawa ang swab test kay Quinto nito lamang Abril 8 at lumabas ang resulta kinabukasan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Negative, guys. Thank you, Lord. Puwede na akong lumabas (ng kwarto)," ani Quinto na nasorpresa sa dami ng mga nagpadala sa kanya ng pagkain at regalo.

"Para po sa mga nagtatanong, maayos na maayos na po ako. At dahil rin po 'yan sa mga tulong niyo, sa mga nagdasal para sa akin. So, sana kayo ay mag-ingat lagi. Ingatan niyo ang sarili niyo guys. Maraming-maraming salamat. God bless you and see you soon," ani Quinto.

ADVERTISEMENT

Bago pa man sumailalim sa kanyang pinakahuling swab test ay nag-negatibo na si Quinto sa coronavirus noong Abril 5 nang may nagpadala sa kanya ng saliva-based RT-PCR kit.

Sa ika-13 araw ng quarantine ni Quinto, una nang nagpasalamat si Quinto sa lahat ng mga taong nagpakita sa kanya ng pagmamahal at suporta.

Sa nasabi ring vlog, ipinakita ni Quinto ang huling pitong araw ng kanyang quarantine.

Matatandaang nag-positibo si Quinto sa COVID-19 noong Marso 26, bagay na ipinaalam niya sa publiko sa pamamagitan ng kanyang vlog nitong Abril 1.

Si Quinto ay isa sa mga bituin ng pinakabagong serye ng ABS-CBN na "Huwag Kang Mangamba" na ipinapalabas naman pagkatapos ng FPJ's Ang Probinsyano."

Related videos:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.