Vicki Belo, magiging lola na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vicki Belo, magiging lola na

Vicki Belo, magiging lola na

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 15, 2018 07:06 PM PHT

Clipboard

Masayang-masaya si Vicki Belo nang ibahagi sa kaniyang Instagram na nagdadalantao ang kaniyang anak na si Cristalle Belo-Pitt.

Sa caption ng magazine cover na "ni-re-gram" ni Belo, sinabi ng celebrity doctor na excited na siya dahil magkakaroon ng kalaro ang isa pa niyang anak na si Scarlet Snow sa pagdating ng kaniyang apo.

Naunang ibinalita ni Cristalle ang kaniyang pagdadalantao sa kaniyang Instagram account.

Aniya, sa Hulyo siya inaasahang magsisilang ng panganay nila ng mister na si Justin Pitt, isang Australian hotelier.

ADVERTISEMENT

Taong 2016 nang ikasal ang dalawa sa isang enggrandeng seremonya sa Lake Como, Italy.

Bago nito, nagkaroon din ng civil wedding ang dalawa sa Pilipinas para makadalo roon ang noo'y 92 anyos na lolong hindi na makabibiyahe papuntang Italy.

Nagkakakila ang dalawa sa Middle East noong 2014.

Kuwento ni Justin, sobrang na-in love agad siya kay Cristalle kaya pinalampas niya noon ang pagkakataong maging "Stormtrooper" sa "Star Wars" para lang magkaroon ng panahong makilala ang pamilya Belo-Henares.

Isang taon matapos magkakilala, na-engage ang dalawa sa Maldives.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.