Samuel L. Jackson, Arnold Schwarzenegger nagpabakuna na kontra COVID-19 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Samuel L. Jackson, Arnold Schwarzenegger nagpabakuna na kontra COVID-19

Yong Chavez,
ABS-CBN News
Published Jan 29, 2021 07:54 AM PHT

MAYNILA -- Patuloy ang pagpapabakuna sa iba't ibang lugar sa Amerika kung saan inuuna muna ang mga frontliner at mga may edad 65 pataas.

Kabilang nga sa mga pumila para mabakunahan ay ang mga Hollywood legend na sina Samuel Jackson at Anthony Hopkins at ang aktor at dating governor ng California na si Arnold Schwarzenegger.

"Just got my vaccine and I will recommend it to anyone and everyone. Come with me if you want to live," ani Schwarzenegger sa video na ibinahagi niya sa social media matapos mabakunahan.

Umorder ang Pangulo ng Amerika na si Joe Biden ng dagdag na 100 million vaccine shots para maisakatuparan ang plano ng kanyang administrasyon na mabakunahan ang lahat ng nasa Amerika bago dumating ang katapusan ng Agosto.

ADVERTISEMENT
Samantala, available na sa Pilipinas sa streaming platforms ang pelikulang "Yellow Rose" na pinagbidahan nina Eva Noblezada, Lea Salonga at Princess Punzalan.

Inilalarawan sa pelikula ang hirap na dinaranas ng mga Pinoy undocumented immigrants.

"Hindi madali because you always have to look over your shoulder and try to see if someone is going to get you and arrest you," ani Punzalan.

Nang lumipat sa Amerika nagtrabaho bilang nurse si Princess, bagamat tumigil muna ngayong pandemya para maalagaan ang anak sa bahay.

Pero hindi pa rin nakakalimutan ni Princess ang pag-arte, miyembro siya ng Screen Actors Guild of America at madalas na naga-audition sa pamamagitan ng self taping. Isa rin ang aktres sa maraming Pinay stars na nagpadala ng audition tape nila sagot sa casting advertisement nila ng Disney na naghahanap ng Filipina actress para sa isang Hollywood movie.