Magarbong kasalan sinisi sa pagkamatay ng mga manok sa India | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Magarbong kasalan sinisi sa pagkamatay ng mga manok sa India

ABS-CBN News
Published Nov 25, 2021 05:25 AM PHT

Isang maingay at magarbong parada para sa tradisyunal na kasal sa India ang tinitingnang sanhi ng pagkamatay ng nasa 63 manok.

Ayon kay Ranjit Kumar Parida, may-ari ng isang poultry farm sa Odisha sa India, nakarinig siya ng nakabibinging ingay mula sa paradang dumaan sa kaniyang farm bago magmadaling araw nitong Linggo.

Sinabihan umano niya ang banda na hinaan ang tugtog dahil natatakot ang kaniyang mga alagang manok ngunit hindi umano siya pinakinggan ng mga ito. Sinigawan pa umano siya ng mga kaibigan ng ikakasal na lalaki.

Ayon sa isang beterinaryo, namatay sa atake sa puso ang mga manok. Nagsampa na siya ng reklamo sa pulisya matapos tumangging magbayad ng danyos ng mga nag-organisa ng nasabing kasal.

Sinabi ng propesor na si Suryakanta Mishra, na may akda tungkol sa animal behavior, sa Hindustan Times na nagiging sanhi ng cardiovascular disease sa mga ibon ang malakas na tunog at ingay.

Dagdag pa niya, nakakaapekto sa circadian rhythm at biological clock ng mga manok ang pagkagulat at stress dahil sa malakas na ingay.

Nagkaroon naman ng maayos na resolusyon ang problema matapos iatras ni Parida ang kaniyang reklamo. — Isinalin mula sa artikulo ng Agence France-Presse

KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT