Lalaking umakyat sa puno, 2 linggo nang di bumababa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking umakyat sa puno, 2 linggo nang di bumababa

Lalaking umakyat sa puno, 2 linggo nang di bumababa

ABS-CBN News

Clipboard

Binabantayan ngayon ang lagay ng isang lalaking umakyat sa puno ng niyog sa Cuyo, Palawan pero hindi pa rin bumababa makalipas ang 14 araw.

Ayon sa pamilya ng lalaki, Enero 3 pa nang umakyat sa puno ng niyog ang lalaking nagpaalam lang na mamimitas ng buko.

Humingi na ng tulong sa lokal na pamahalaan ang pamilya niya para mapababa ang lalaki.

Pinuntahan na rin siya ng mga lokal na pulis at maging ng alkalde ng Cuyo para kausaping bumaba, pero nanatili pa rin siya sa puno ng niyog.

ADVERTISEMENT

Sa ngayon, pinalibutan na lang ng lambat ang paligid ng puno ng niyog bilang pansalo sakali mang tumalon o mahulog ang lalaki.

Sinubukan ng news team na kausapin ang lalaki pero hindi siya masyadong tumutugon sa mga tanong.

Kuwento ng ina ng lalaki, isang linggo bago ang pag-akyat sa puno ng anak, nilagnat ang lalaki habang nag-uuling.

Makaraan ang ilang araw ng sakit, biglang may iba-ibang ikinukuwento na raw ang anak tulad ng may tao umano sa labas ng kanilang bahay na gusto siyang patayin.

Tingin ng ginang, maaaring naapektuhan din ng iba't ibang problema sa buhay ang anak, kasama na ang suliranin sa pamilya.

Umaasa ang pamilya ng lalaki na matutulungan sila ng iba pang ahensiya ng gobyerno para tuluyang makababa at makabalik siya sa bahay nang ligtas.

-- Ulat nina Lynette Dela Cruz at Cherry Ann Camacho, ABS-CBN News

EDITOR'S NOTE: Hindi muna pinangalanan ang lalaki sa ulat na ito habang hindi pa siya natitingnan ng doktor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.