'Presyo ng sardinas, tataas sa 2018'

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Presyo ng sardinas, tataas sa 2018'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tataas ang presyo ng sardinas mula sa susunod na taon kasunod ng pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa reporma sa buwis, ayon sa Industrial Group of Zamboanga.

Ayon sa grupo, tataas din kasi ang operational cost ng mga fishing at canning company kapag sinimulan ang pagpataw ng excise tax sa produktong petrolyo tulad ng diesel, at wala umanong ibang paraan para makabawi sa kanilang gastos sa operasyon kundi itaas ang presyo ng sardinas.

"Before our operations is already that much. You increase the price of diesel, our cost of operation will increase, therefore we are pressured now to increase the prices of our products," ayon kay Buboy Valerio, executive director ng Industrial Group of Zamboanga.

Ayon naman sa Southern Philippines Deep Sea Fishing Association (SOPHIL), hindi pa nila matiyak kung magkano ang itataas ng presyo ng sardinas pero higit kalahati ng kanilang operational expenses ang napupunta sa diesel.

ADVERTISEMENT

Malaki rin umano ang itataas ng presyo ng raw material na tamban.

“The bottomline, the consumers will really suffer for the consequence," ani Roberto Baylosis, executive vice president ng SOPHIL.

Ikinalungkot naman ito ng ilang consumer na nakasanayan nang bumili ng sardinas dahil sa mura at madaling ihain.

Bukod sa sardinas, posible ring tumaas ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin.

Maaari rin umanong humirit ng dagdag na sahod ang mga manggagawa.

Tiniyak naman ng mga canning at fishing company na hindi sila magtatanggal ng mga manggagawa kahit pa tumaas ang kanilang operational expenses.

-- Ulat ni RJ Rosalado, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.