Produktong katutubo mula MIMAROPA, tampok sa isang trade fair

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Produktong katutubo mula MIMAROPA, tampok sa isang trade fair

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 22, 2017 07:30 PM PHT

Clipboard

Pangunahing kabuhayan ng isang pangkat ng mga katutubo mula Calamianes sa Busuanga, Palawan ang pangingisda at pagsasaka.

Dati, ilan lamang ang pumapasok sa trabahong paghahabi o weaving.

Ngunit napaunlad ang negosyong ito nang mabigyan ang mga manggagawa ng sapat na pagsasanay at kagamitan.

Kabilang ang mga disenyong hinabi ng mga taga-Calamianes sa mga produktong tampok sa trade fair na idinaos sa isang mall sa Mandaluyong mula Oktubre 18 hanggang Oktubre 22.

ADVERTISEMENT

Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang fair na tinawag na "Mimaropa Naturally."

Ibinida rito ang mga produktong mula sa rehiyong Mimaropa, na binubo ng mga lalawigang Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.

Umabot na sa halos P40 milyon ang kita ng Mimaropa sa ika-apat na araw ng kanilang programa.

Mayroon na rin silang nakuhang mga partnership o pakikipagsosyo mula sa mga lokal at banyagang negosyante.

Sa datos ng DTI, nasa 4,000 negosyo na ang naibigay ng ahensiya sa Mimaropa, lalo na sa mga katutubong pangkat.

Layunin ng DTI na palakasin ang sektor agri-tourism sa lugar dahil malaki ang hatak ng agrikultura at turismo sa mga lokal na dayuhan.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.