Pagsunod ng mga kainan sa health protocol para sa dine-in ininspeksiyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsunod ng mga kainan sa health protocol para sa dine-in ininspeksiyon

Pagsunod ng mga kainan sa health protocol para sa dine-in ininspeksiyon

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 16, 2020 09:06 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Martes pa tatanggap ng dine-in customers ang restaurant na Kureji sa Quezon City pero ipinakita na nito ngayong Lunes sa mga taga-Department of Trade and Industry, Department of Tourism, at Department of Labor and Employment ang health protocols.

Kasama rito ang foot bath, temperature check, at pag-fill out ng health checklist.

May marka ang mga mesa para matukoy ang mga hindi puwedeng upuan ng mga kostumer pati ang mga pupuwestuhan ng mga waiter at staff.

Aminado ang may-ari na si Eric Teng na hindi sila kikita kung 30 porsiyento lang ang puwedeng tanggapin sa dine in.

ADVERTISEMENT

"Okay lang malugi kami this year, it's fine. Basta walang hawahan this year, that's a successful year for us," ani Teng.

Sa Hunyo 20 naman magbubukas ang isang sangay ng Red Crab sa Quezon City, na tadtad ng health safety signs at gumastos sa mga plastic barrier sa pagitan ng mga kostumer.

"Ang purpose namin maibalik ang tiwala ng customers sa restaurants, 'yon lang, at mawala ang takot," ani Raymond Magdaluyo, may-ari ng Red Crab.

Sa mall naman, may ilang restaurant at coffee shop na take out lang muna at naghahanda pa lang sa dine in.

Pero karamihan sa mga kostumer ng mga fast food establishment ay nagda-dine in na kahit hindi sila puwedeng magkakaharap o magkakatabi.

Iba naman ang diskarte ng food court sa Trinoma Mall sa Quezon City.

Isang tao lang ang maaaring kumakain sa bawat table, na magkakalayo sa isa't isa.

Kontento naman ang mga nag-inspeksiyon sa diskarte ng mga restaurant para mapanatili ang physical distancing.

Regular na iikot ang mga tauhan ng DTI sa mga restaurant at karinderya para matiyak na sumusunod na lahat sa health protocol para makaiwas sa COVID-19.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.