Barangay health workers sa bansa kulang pa: DOH | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay health workers sa bansa kulang pa: DOH

ABS-CBN News
Published Apr 21, 2019 06:46 PM PHT

Labindalawang taon nang barangay health worker (BHW) ang 51 anyos na si Marivic Defensor sa Barangay Geronimo sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Isa si Defensor sa mga humahawak ng mga health record ng mga residente at nagpapakalat ng mga impormasyon na may kinalaman sa kalusugan.

"Okay lang, masaya naman ako dito eh saka gamay ko na 'yong trabaho," ani Defensor.

"Nakakapagserbisyo pa ako sa mga kabarangay ko," dagdag niya.

ADVERTISEMENT
Sa kasalukuyang bilang ng Department of Health (DOH), 207,392 lang ang aktibong BHWs sa bansa at 802,422 BHWs pa ang kinakailangan.

Inamin naman ni Maria Lourdes Gajitos ng DOH-Bureau of Local Health Systems and Development na hindi madaling punan ang kakulangan sa BHWs.

"Hindi ganoon kadaling hanapin kasi voluntary ito eh," ani Gajitos.

Maaaring maging BHW ang may edad 18 pataas, may malusog na pangangatawan at pag-iisip, at nakapagtapos ng primary health care training na libreng ibinibigay ng mga local health office.

Makatatanggap din ang mga BHW ng allowance at honorarium mula sa barangay at local government unit. Ang halaga ay nakadepende sa local health board.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
kalusugan
barangay health workers
Department of Health
hanapbuhay
TV Patrol
Zen Hernandez
TV Patrol Top
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT