Ilang lugar sa NCR makakaranas ng halos 3 araw na water interruption: Maynilad | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang lugar sa NCR makakaranas ng halos 3 araw na water interruption: Maynilad

ABS-CBN News
Published Feb 28, 2023 03:19 PM PHT
|
Updated Feb 28, 2023 09:06 PM PHT

Makakaranas ng water service interruption na tatagal nang halos 3 araw ang ilang lugar sa Metro Manila dahil sa aayusing malaking tubo, sabi ngayong Martes ng Maynilad.

Magsisimula ang water interruption sa hapon ng Marso 5 hanggang halos hatinggabi ng Marso 7, na mararanasan sa ilang parte ng Maynilad, Makati, Parañaque at Pasay. Posible umano itong tumagal nang 15 hanggang 57 oras.

Magkakaroon kasi ng leak repair sa tubo sa may Osmeña Highway malapit sa boundary ng Maynila at Makati, ayon sa Maynilad. Nasa 20 hanggang 30 milyong litrong tubig kada araw ang tinatagas ng sirang tubo.

Ayon kay Ronald Padua, head ng Maynilad water supply operations, hindi na puwedeng iatras ang repair work dahil baka lalo pang lumala ang situwasyon.

"Kung kailangan i-extend [ang duration ng service interruption], magno-notify agad kami," ani Padua.

Nangako naman ang Maynilad na maglalagay sila ng 7 stationary water tanks at 30 mobile water tanker sa mga apektadong lugar.

Nagpaalala naman si Metropolitan Waterworks and Sewerage System Administrator Bobby Cleofas sa Maynilad na sundin ang timeline.

Iginiit ni Cleofas na dapat ma-coordinate sa Bureau of Fire Protection ang water interruption, lalo't pasok sa Fire Prevention Month ang pagkawala ng supply ng tubig.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT