Lorna Tolentino papasok sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lorna Tolentino papasok sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Leo Bukas
Published Mar 25, 2023 05:02 PM PHT

Papasok na rin si Lorna Tolentino sa FPJ's Batang Quiapo. Pero sikreto pa kung ano ang magiging role niya dito.

Na-miss agad ni LT ang gumawa ng serye pagkatapos niyang maging bahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagiubidahan at idinirek din ni Coco Martinn

"Mabuti nga hindi lola!" natatawa niyang sabi.

Ayon pa sa aktres, handa niyang tanggapin ang anumang role na i-ooffer sa kanya ni Coco.

Matagal na ding hindi gumagawa ng pelikula ang grand slam best actress. Naging busy kasi siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at dumaan pa ang pandemya kaya wala siyang tinanggap na movie offer.

Ngayon ay balik-pelikula si LT sa Yung Libro sa Napanood Ko na official entry ng Viva Films sa Summer Metro Manila Film Festival.

Mapapanood ang pelikula simula April 8 at matatapos ng April 18. Ito ay pinagbibidahan ni Bela Padilla na siya ring writer at director ng movie.

Ang Korean actor naman na si Yoo Min-gon ang leading man ni Bela sa pelikula.

Ayon kay LT, nag-enjoy siya nang husto habang nagsyusyuting sa Korea. Nagustuhan din daw niya ang working condition doon na may sinusunod na oras pag nagtatrabaho.

“Sana nga ganun din sa atin, na tuloy-tuloy na sana yung sa atin. Kasi nung pandemic parang medyo nag-iba yon, eh. Nagkaroon ng number of hours, nagkaroon ng lock-in, but ngayon, sana ma-maintain yung number of hours din,” pahayag ni LT.

“Amazing!” naman ang sagot ng aktres nang tanungin kung kumustang katrabaho at direktor si Bela.

“Humahanga ako na pinapanood ko lang siya, tinitingnan ko, eh. Walang pressure sa kanya, hindi siya nai-stress.

“Siguro kasi alam niya yung ginagawa niya at naka-focus din siya sa work. Alam niya yung mga characters, so mas madali for everybody. And she knows kung ano yung ginagawa niya, alam niya,” lahad pa ng award-winning actress.

Hindi naman itinanggi ni LT na minsan ay pinangarap din niya noon na maging direktor sa pelikula. Pinag-aralan pa nga raw niya ang tungkol dito pero dahil sa kanyang nakita ay hindi na niya ito itinuloy. Mas nag-concentrate na lang daw siya sa pag-arte.

Noong panahon daw na ginagawa niya ang Pusong Mamon taong 1988 na si Joel Lamangan ang direktor ay nagkaroon ito ng heart attack habang ginagawa ang pelikula.

“Pinalitan siya for a few days para lang matapos ang pelikula. Doon ko nakita na ayaw ko na, parang hindi ko kakayanin maging director.

“Natakot ako kasi puwedeng dumating sa point na health mo na ang mag-suffer,” pagre-recall pa niya.

Lorna is playing the role of Bela Padilla’s mother na isang OFW sa Yung Libro sa Napanood Ko.