EXCLUSIVE: Donna Cariaga thankful for second chance in ‘FPJ’s Batang Quiapo’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: Donna Cariaga thankful for second chance in ‘FPJ’s Batang Quiapo’

EXCLUSIVE: Donna Cariaga thankful for second chance in ‘FPJ’s Batang Quiapo’

Rhea Manila Santos

Clipboard

Known for her funny antics onscreen, actress Donna Cariaga takes on horror in the Regal FIlms return of Shake, Rattle, & Roll Extreme this year where she plays the role of yaya Jasmine in the “Glitch” episode.

“Kung magiging honest ako, hindi ko alam na ganun katagal nawala yung Shake, Rattle, & Roll sa sobrang staple niya, na akala ko talaga every year may Shake, Rattle, ganung level. Tapos nung nalaman ko na nine, ten years na nawala. Actually, siyempre yung pressure nandoon. Kasi nga parang kababalik lang ulit and then kasama ako dun. So sana tatangkilikin pa rin. And then nung naglabas sila ng trailer tapos yung mga tao sobrang excited na makita siya ulit dahil nagbabalik na siya, dun na nag-sink in na classic ito tapos kasama ako dito. Nung time ng Ang Probinsyano, parang siyang Ang Probinsyano, na kailangan kahit mga ilang eksena makasali ka dun, ganun. Kasi parang hindi kumpleto yung career mo pag wala ka dun. So parang si SRR, ganun din yung pakiramdam ko ngayon,” she told PUSH in an exclusive interview. 

After starting out in showbiz five years ago, Donna said she first got her taste of doing horror in the online series Rabid during the pandemic.

“From comedy to horror, so siyempre every project naman kakaiba siya. Pero of course as a character actress, nasasanay yung mga tao sa nakikita nila. Mas maraming offer kasi ng comedy of course dahil dun tayo nakilala. Pero siyempre pag may mga ganitong pagkakataon, gustong gusto ko ring kunin. Kasi aside from nakikita ng tao kung ano pa yung puwede mong i-offer, ano din siya sa sarili ko as an actor, parang kailangan kaya ko rin siya gawin. Kasi nga kino-consider ko yung sarili ko as an actor. So kailangan pag may project, kahit ibang genre na hindi nakasanayan, kailangan ma-pu-pull off pa rin siya,” she added.

On television, Donna was also seen in the long-running series FPJ's Ang Probinsyano but her stint was cut short because of the pandemic. She said she is thankful to actor and director Coco Martin as she became part of the cast of his current series FPJ's Batang Quiapo.

“Masaya ako kasi nakabalik. Kasi nung Ang Probinsyano, parang nung nandun ako, nag-pandemic so dahil pamilyar na yung mga tao dun dahil kay direk Coco, nandun ulit ako sa unit niya. Nung nawala ako sa Ang Probinsyano nung nag-pandemic yun eh. Parang dahil may bata sa bahay, ganun. Tapos hindi natin alam kung gaano katagal ba yung pandemic, ganyan. Ang hirap mag-commit sa trabaho nun. Ang nangyari nun, parang mas choice ko nung mga time kasi sobrang uncertain nung pandemic. So nung nag-call sila for Batang Quiapo, siyempre walang pag-aatubili, go agad. Tapos nagkita kami ni kuya Coco, ganyan. Sobrang parang ang kumportable na ng pakiramdam. Pamilyar kasi. Yung familiarity sa set niya. So ang sarap lang din na naalala na tawagin ako dun,” she admitted.

ADVERTISEMENT

A Mass Communications graduate from St. Louis University in Baguio, Donna said she first discovered her love for acting on stage while in school even though she did not seem as animated in real life.

“Minsan umaakyat ako para sa pahinga (laughs). Nandito na sa Manila yung family ko. Ang province ko talaga Nueva Ecija tapos Baguio lang ako nag-aral and nagtrabaho after. After Baguio, saka ako nag-Maynila. Bilang breadwinner ako, kung nasaan ako nandun ang pamilya ko. I’m a single mom to a nine-year-old baby girl named Vivienne. Tahimik lang ako sa totoong buhay (laughs). Ma-observe akong tao so pagka mag-isa lang ako dun nauubos yung oras ko. Overthinker din ako. So siguro hindi naman bago yun sa iba pero pag marami na akong iniisip, kaya kong tumahimik. And pag nag-da-drive ako, yun yung panahon ko talaga mag-isip. So kahit long drive yan, kaya ko siyang gawin. Kasi yun yung time ko na mag-isip na tahimik lang tapos ako lang mag-isa,” she shared.

Now that she has become more recognizable for the various roles she plays onscreen, Donna said she is slowly learning how to handle fame.

“Nasanay na rin ako kasi nung mga una talaga, kasi naggaling ako sa teatro so parang kami naman nun sa Baguio, after ng theater namin, after the show hindi naman ganun yung prestige or fame, hindi siya nakakabit ung mga time na yun. So yung naging background ko sa ganung sistema na after mag-perform, mag-pe-prepare na naman kami for the next production, ganun lang. And then nung nag-TV and film na ako, hindi ko kasi alam kung sino yung nakakapanuod sa akin, so parang paglabas ko, gulat ako na kilala nila ako. So may gulat factor so overwhelming. Tapos parang nung una hindi ko alam kung paano siya iha-handle. Pero nung habang tumatagal naman, parang natutunan ko naman na, hindi rin naman ako nagsusungit sa labas so feeling ko okay na yun (laughs),” she explained.

Donna also has a wishlist of artists she hopes to get the opportunity to work with in the near future.

“Si Ms. Judy Ann Santos, si ate Uge (Eugene Domingo) yung isa sa mga biggest sa wishlist ko kasi fan na fan niya ako before pa. So nung nagkasama kami sa Ten Little Mistresses sabi ko check na yun sa bucket list. Si Ms. Vilma Santos na sobrang bait daw, so far silang dalawa. So far hindi naman ako namimili ng katrabaho. So marami pa, yung mga beterano din natin. Kasi iba yung matututunan mo sa kanila kapag nakasama mo sila eh. Like kay Ms. Iza (Calzado) makikita mo kung paano siya nakikitungo sa mga tao and then ma-a-adapt mo yun, ganun so good influence siya. At saka siyempre mas alam na nila yung takbo dito at kung paano siya i-handle. So kapag may nakakatrabaho akong mga beterano, parang ino-observe ko sila, as an observer (laughs)," she said.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.