Cesar Montano, aminadong ‘di naging madali’ ang role bilang Ferdinand Marcos Sr. sa ‘Maid In Malacañang’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cesar Montano, aminadong ‘di naging madali’ ang role bilang Ferdinand Marcos Sr. sa ‘Maid In Malacañang’

Cesar Montano, aminadong ‘di naging madali’ ang role bilang Ferdinand Marcos Sr. sa ‘Maid In Malacañang’

Kiko Escuadro

Clipboard

Proud na masasabi ng aktor na si Cesar Montano na another achievement unlocked sa kaniya ang gampanan ang role ni dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pelikulang “Maid In Malacañang”.

Ang “Maid In Malacañang” ay tungkol sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang noong kasagsagan ng EDSA revolution noong 1986.

Kasama ni Cesar ang iba pang bituin na sina Ruffa Gutierrez na gaganap bilang si former First Lady Imelda Romualdez Marcos, Christine Reyes bilang si Imee Marcos, Diego Loyzaga as Ferdinand Marcos Jr. at Ella Cruz na siya namang gaganp bilang si Irene Marcos.

“Nakakatuwa po and it’s a great honor for me para maging part ng pelikulang ito,” bungad ni Cesar sa naging panayam ng PUSH.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Cesar, isa siya sa mga nasabik ng una niyang nabasa ang script na sinulat at binuo ni Daryl Yap na siyang direktor ng nasabing proyekto.

“Unang una. Noong binigay sa akin ang script, honest to goodness, maganda talaga ang script e, wala akong masabi lahat andoon na e’, patatawanin ka, paluluhain ka ang ganda ng script wala ako masabi”.

Nakilala man sa kaniyang mga markadong proyekto, aminado ang award-winning actor na hindi naging madali ang gampanan ang karakter ng dating Pangulo.

“To play Ferdinand Edralin Marcos, it’s not an easy task for an actor, so paano, paano ko nga ba talaga bibigyan ng justice ito, ‘yun ang passion ko ang ma-challenge sa ganyang mga klase ng role,” sambit ni Cesar.

Bukod sa paghahanda sa karakter ni dating Pangulong Marcos, isa rin sa inihanda ni Cesar ang iba’t ibang reaksyon ng tao sa pagbibigay buhay niya sa masasabing kontroberysal na buhay ng pamilya Marcos.

“Of course, ready o hindi, ang kailangan talaga ay mabigyan ko lang naman ng justice ang character ko. I’m an actor, as an actor, hindi lamang lahat ng klase ng character na ginagawa ko ay lahat ng klasseng character ay dream kong gawin,” aniya.

Dagdag pa niya: “I’ve done so many. I did Jose Rizal, from Waway to Jose Rizal, from public enemy number 1 to our national hero I did. But this playinhg as a president of the Philippines, of course this is another challenge for me. This is a new one, hindi ko sasabihin na madali ito.”

Sa darating na Agosto 6 na mapapanood sa mga sinehan ang Maid In Malacañang kung saan kasama rin sina Karla Estrada, Beverly Salviejo at Elizabeth Oropesa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.