5 well-loved LizQuen movies | Pushpins | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 well-loved LizQuen movies | Pushpins

5 well-loved LizQuen movies | Pushpins

Push Team

Clipboard

Nine years ago, on March 13, 2013, unang napanood sa isang cameo role sa big screen sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Simula noon ay nakilala ang tambalang LizQuen at nagpatuloy ang pagpapakilig nila sa maraming projects na kanilang ginagawa hanggang ngayon.

Gaya na lamang ng kanilang mga blockbuster movies na iniyakan at nagpakilig sa marami.

Anu-ano ang mga ito?

ADVERTISEMENT

Let's find out.


1. She's The One

Maliban sa cameo role nina Liza Soberano at Enrique Gil sa 2013 film na Must Be Love ay sa pelikulang She's The One sila unang napanood bilang love team.

Ito rin ang unang movie ni Liza kung saan nagsimula siya bilang supporting cast.

Ang She's The One ay isa sa mga pelikulang ipinalabas para sa 20th anniversary ng Star Cinema.

Ikinatuwa rin ng LizQuen fans nang ilabas ng Star Cinema sa kanilang YouTube channel ang mga bloopers at extended scenes ng LizQuen.


2. Just The Way You Are

Taong 2015 nang sumabak bilang main cast ang LizQuen sa pelikulang Just The Way You Are.

Ang movie ay base sa isang Pop Fiction book na pinamagatang The Bet, ngunit una na itong sumikat at nakilala sa Wattpad.

Ginampanan ni Liza ang role ni Sophia na isang nerd student, habang si Enrique naman ay ang popular guy na si Drake.

Nag record din ang LizQuen ng sariling cover nila ng official soundtrack ng pelikula na "Smile In Your Heart."

3. Everyday I Love You

Ang Everyday I Love You ay ang pangalawang movie ng LizQuen na ipinalabas noong 2015.

It follows the story of Audrey, played by Liza, who is torn between the man of her dreams and the man who makes her dreams come true.

Una itong ipinalabas noong October 28 sa Pilipinas at nagkaroon ng international screenings sa iba't ibang bahagi ng US, Canada, at UK.

4. My Ex and Whys

Ang pelikulang My Ex and Whys na ipinalabas noong 2017 ay ang highest-grossing film ng LizQuen.

Ito ay kumita agad ng P100 million sa loob ng tatlong araw, at mahigit P400 million in ticket sales during its entire run.

Ito rin ang unang beses na naka-trabaho ng LizQuen ang veteran director na si Cathy Garcia Molina.

Sa pelikulang ito sumikat ang ilang linyang binitawan ni Liza na relatable pa rin hanggang ngayon.

5. Alone/Together

Ang pelikulag Alone/Together ay ang huling big screen project ng LizQuen.

Ito ay ipinalabas noong February 2019 bilang Valentine's Day offering ng Black Sheep Productions under Star Cinema

Maraming fans ang kinilig dahil sa pelikulang ito naganap ang unang on-screen kiss ng LizQuen.

Sa interviews ng dalawa ay ibinahagi nilang kinabahan si Enrique habang kinukuhanan ang kanilang kissing scene.

Nakasali at ipinalabas din ang Alone/Together sa ASEAN Cinema Week 2019 sa South Korea.

Tingnan ang mga proyektong ito sa episode ng Pushpins.

Anong favorite LizQuen movie niyo?

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.