Andrea Torres may buwelta kay Derek Ramsay sa isyu kung sino ang unang nakipag-break | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Andrea Torres may buwelta kay Derek Ramsay sa isyu kung sino ang unang nakipag-break

Andrea Torres may buwelta kay Derek Ramsay sa isyu kung sino ang unang nakipag-break

Leo Bukas

Clipboard

May paglilinaw si Andrea Torres sa mga naging pahayag ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay sa isang interbyu na diumano’y ang aktor ang nakipag-break sa kanya sa pamamagitan ng telepono. Giit ni Andrea, hindi raw ganun ang totoong nangyari.

Hindi rin daw niya maintindihan kung ano ang motibo ni Derek sa pagiging vocal nito about their breakup gayung meron naman na itong bagong karelasyon.

Ani Andrea, “I don’t see the significance of discussing details in public. I honestly have a different memory of what transpired and who ended it but I think it is not worth my time and energy because it will only turn into a ‘he said, she said’ thing.”

Wala rin daw siyang nakikitang mabuting maidudulot kung pag-usapan pa ang kanilang nakaraan.

ADVERTISEMENT

“What good will come out of it? I have been focused on myself and what is happening in the world. For as long as I am at peace with God and myself and I can truly say that I have chosen to be a better person.

“I am fine and I have moved on. It’s been months. What’s the point?” katwiran ng sexy star sa TV interview.

“If he truly respects me and my family, let us have our peace,” pakiusap pa niya sa ex-BF.

Dagdag pa ni Andrea, mas gusto niya ngayon na mag-focus sa kanyang mga goals sa buhay.

“Palagi naman akong may goals, di nawawala yan para, at least, kapag gumigising ka sa umaga, there’s always something to look forward to, di ba?

“Ang goal ko ngayon, talagang gusto kong magkaroon ng bahay at lupa para sa sarili ko. Gusto kong makapag-travel pa. Gusto ko makapag-travel alone din na hindi ko pa nata-try na medyo takot akong gawin.

“At siyempre, yung mga dreams ng family namin, ng parents mo o ng siblings mo. Gusto mo rin maging part ng mga dreams nila. Sana mabigay ko yun,” pahayag pa niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.