Morisette, masaya sa reaction ng Koreans sa OPM | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Morisette, masaya sa reaction ng Koreans sa OPM

Kiko Escuadro
Published Oct 09, 2018 03:43 AM PHT

Labis na kasiyahan ngayon ang nararamdaman ng Kapamilya singer na si Morissette Amon matapos ang kanyang naging special performance sa 2018 Asia Song Festival noong October 3.

Si Morissette ang naging kinatawan ng Pilipinas sa isa sa malaking music festival na ginaganap sa South Korea.

“Sobrang happy ako kasi na-appreciate po nila na nag-Korean po ako. Siyempre hindi nila ine-xpect 'yun kasi all throughout nag-English ako kaya happy ako," pahayag ni Morissette sa naging panayam ng PUSH at ABS-CBN News.

Aniya mas espesyal ang kanyang naging performance ngayon dahil sa kanyang original Filipino song na kanyang ibinahagi sa audience.

"This year po, nag-original Filipino song ako ang title ng song is ‘Throwback’ and naghanap kami ng Korean song. Actually may Korean friend ako na nag-suggest na 'yun ang kantahin ko, tapos pina-translate namin in English tapos 'yung dulo ginawang Korean pa rin,” sabi pa niya.

At kahit na umawit sa wikang Pinoy, hindi din inakala ni Morissette ang magiging response ng Korean audience na dumalo sa song festival.

“Natutuwa ako kasi parang na-recognize nila ako from last year and even noong nag-closing na kami and nag-bow na kami, 'yung music sa background is 'yung 'Throwback' which is original Pinoy music,” pahayag pa ng singer.