200 kilo ng karne ng manok, kinumpiska sa Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

200 kilo ng karne ng manok, kinumpiska sa Maynila

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa 200 kilo ng karne ng manok sa isang pamilihan sa Maynila,dahil walang naipakitang permit ang magde-deliver nito, Biyernes ng madaling-araw.

Sa routine meat inspection ng Veterinary Inspection Board (VIB), nasita nila ang isang tricycle na may kargang karne ng manok sa Divisoria.

Hinanap nila ang Meat Inspection Certificate nito, pero ayon sa delivery boy, nakalimutan niyang dalhin ang naturang dokumento.

“Hindi pwedeng nakalimutan lang. Dapat dala talaga nila. Tapos ‘yung manok po nakalapag lang sa sahig, walang cover. Dapat ‘yan may plastik saka proper papers talaga,” ayon kay Dr. Princess Espanto, Assistant Team Leader ng VIB.

ADVERTISEMENT

Inikot din nila ang Blumentritt at Paco Public Market para matiyak na sumusunod sa regulasyon ang mga tindero sa pamilihan.

At bukod sa pagsusuri ng mga permit, kinumpiska rin nila ang mga ilaw na gumagamit ng ibang kulay at tinakpan ng mga plastik.

“Ito po kasi ginagamit po nilang pandaya which is hindi ma-distinguished kung sariwa ‘yung mga binibili niyo pa. Kaya mahigpit po na pinagbabawal sa lungsod ng Magnila na maglagay po ng mga ganitong devices,” ayon kay Alvin Celis, meat inspector.

Patuloy naman ang paalala ng VIB sa mga mamimili na suriin at tiyakin na may Meat Inspection Certificate ang kanilang mga pinagbibilhan ng produktong karne.

“Natuto naman sila pero may mangilan-ngilan na hindi pa rin sumusunod sa atin kaya napipilitan kaming kumispikahin ‘yung mga karne nila, ‘yung ilaw nila, ‘yung mga gamit nila sa palengke,” sabi ni Dr. Nick Santos, Officer-in-Charge ng VIB.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.