The Correspondents CA Throwback: Ang malagim na sinapit ng beteranang aktres na si Nida Blanca | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

The Correspondents CA Throwback: Ang malagim na sinapit ng beteranang aktres na si Nida Blanca

Sherwin Tinampay,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dalawampu't isang taon na ang nakararaan, noong Nobyembre 7, 2001, nang patayin ang batikang aktres na si Nida Blanca.

Umaga ng Miyerkoles bandang alas-8 nang matagpuan ng mga pulis ang bangkay ng aktres sa loob ng sasakyan nito na nakaparada sa 6th floor ng Atlanta Center, Greenhills, San Juan.

Ayon sa mga imbestigador, nagtamo si Blanca ng 13 saksak kung saan ang lima ay sa kaniyang kilikili, at dalawa ay sa pisngi na tagos hanggang leeg.

Mabababaw lamang ang mga natamong saksak nito kung kaya't hinala ng mga awtoridad na babae ang gumawa nito at hindi lamang iisa ang suspek.

ADVERTISEMENT

Hindi umano nakapanlaban si Blanca dahil buo pa ang kaniyang damit maliban sa mga butas kung saan ito sinaksak.

Sa tantsa ng mga imbestigador, pumanaw ang aktres bandang alas-4 hanggang alas-5 ng madaling araw.

Nang umusad ang kaso, itinurong suspek ng mga pulis ang asawa ni Blanca na si Rod Strunk.

Sumuko si Philip Medel at umaming siya ang pumatay sa aktres ngunit ilang araw makalipas ay binawi rin nito ang pag-amin at sinabing tinorture siya ng mga pulis para akuin ang kaso.

Pumanaw si Strunk noong 2007 sa Amerika at si Medel naman noong 2010.

Sa ngayon hindi pa rin natutuldukan ang kaso sa pagkamatay ng aktres sa kabila ng pagpanaw ng mga umano'y mastermind nito.

Balikan ang paunang ulat ng ABS-CBN News sa malagim na pagpatay sa batikang aktres sa programang 'The Correspondents' na unang ipinalabas sa ABS-CBN Channel 2 noong 2001.

RELATED LINKS:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.