Walang ligo, walang tubig: 10 barangay sa Bacoor apektado ng water interruption | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Walang ligo, walang tubig: 10 barangay sa Bacoor apektado ng water interruption

ABS-CBN News
Published Jun 10, 2022 09:52 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Ilang residente sa isang barangay sa Bacoor City, Cavite ang hindi nakaligo dahil nawalan sila ng suplay ng tubig halos buong araw nitong Huwebes.

Ayon kasi sa mga residente ng Brgy. Molino II, simula alas 10 pa ng umaga nitong Huwebes ay wala na silang tubig.

Araw-araw umano silang nawawalan ng tubig simula pa noong nakaraang taon.

Nitong Huwebes umano ang pinakamalala dahil lagpas alas 10 na ng gabi ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng tubig.
Nitong Huwebes umano ang pinakamalala dahil lagpas alas 10 na ng gabi ay hindi pa rin sila nagkakaroon ng tubig.
ADVERTISEMENT
Dahil dito, apektado ang ilang maliliit na negosyo. Ang ilang mga residente, hindi na rin nakaligo.

Sa advisory ng Maynilad na ipinost sa Facebook page nito, inanunsyo nilang magkakaroon ng water service interruption araw-araw simula June 8 to June 15 mula 4 a.m. to 6 p.m. sa Bacoor dahil sa water quality issue sa Laguna de Bay.

Apektado dito ang 10 barangay sa Bacoor.

Hindi pa makumpirma sa Maynilad kung bakit magdamag na nawalan ng tubig ang mga residente dito.—Ulat ni Izzy Lee, ABS-CBN News