Bakit umuulan kapag sobrang init ng panahon? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit umuulan kapag sobrang init ng panahon?

ABS-CBN News
Published Apr 23, 2020 08:08 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ipinaliwanag ng PAGASA, Huwebes, kung bakit nagkakaroon ng malakas na pag-ulan kapag sobrang init ng panahon.

"Dahil sobrang init, mataas iyong relative humidity. Nagkaroon tayo ng malakas din na pag-ulan kahapon, thunderstorm po," ani PAGASA weather forecaster Samuel Duran.

Tinatawag na relative humidity ang dami ng moisture na nasa atmosphere. Mataas ang relative humidity ng Pilipinas dahil sa klima nito at dahil napapaligiran ng tubig ang bansa, ayon sa website ng PAGASA.

Nitong Miyerkoles, pumalo sa 35.2 degrees Celsius ang temperatura sa Quezon City. Nasa 42 °C naman ang heat index o aktwal na temperaturang nararamdaman ng katawan dahil sa relative humidity sa lungsod, ani Duran.

ADVERTISEMENT
Mas mataas aniya ang heat index sa Tuguegarao nitong Miyerkoles, na umabot sa 43 °C.

Una nang pinayuhan ng PAGASA ang publiko na iwasang magbabad sa araw at siguraduhing maayos ang ventilation kung nasa loob ng mga gusali o bahay.
DZMM, Abril 23, 2020

Read More:
DZMM
tagalog news
temperature Metro Manila
temperature Quezon City
weather
heat index
temperature today
PAGASA
rains
thunderstorm
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT