Turistang Indian national nalunod sa Zambales | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Turistang Indian national nalunod sa Zambales

Turistang Indian national nalunod sa Zambales

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Nabalot ng lungkot ang masaya sanang outing ng isang pamilya nitong Holy Friday matapos malunod ang isa nilang kasama sa beach resort sa San Narciso, Zambales.

Kinilala ang biktima na si Pramod Passi, 52 taong gulang, isang Indian national at kasalukuyang naninirahan sa Marikina City.

Nag Holy Week outing umano si Passi kasama ang kanyang mga kapamilya at kaibigan sa Crystal Beach Resort.

Ayon sa report ng pulisya, dakong alas-1:15 ng hapon ay naligo raw sa dagat si Passi kasama ang kaibigang si Parveen Singh.

ADVERTISEMENT

Matapos ang ilang sandali ay iwinawagayway na raw ni Passi ang kanyang kamay at humihingi ng saklolo sa pagkalunod.

Agad namang rumesponde ang lifeguard subalit matapos ang 15 minuto saka pa lamang Nakita ang katawan ng biktima.

Itinakbo pa si Passi sa pagamutan ngunit binawian na rin ng buhay.

Ayon naman sa official statement ng resort, nakikiramay ito sa pamilya ng nalunod na Indian national.

Muli rin nilang pinaalala na kumpleto sila sa lifeguard at signages kung saan lamang maaring mag-swimming ang mga turista.

ABS-CBN News, April 18, 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.