Mga nakahambalang na sidewalk vendor sa Parañaque pinaalis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga nakahambalang na sidewalk vendor sa Parañaque pinaalis

Mga nakahambalang na sidewalk vendor sa Parañaque pinaalis

Jose Carretero,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Kahit maulan, itinuloy ng Metropolitan Manila Development Authority ang clearing operations sa mga sidewalk vendor sa Parañaque.

Mula sa kanto ng EDSA, sinuyod ng tauhan ng MMDA ang kahabaan ng Roxas Boulevard papuntang Baclaran Church para paalisin ang mga sidewalk vendor at mga ilegal na nakaparadang sasakyan.

Kahit ang mga sumobrang trapal sa mga stalls sa isang tiyangge area, pinaalis din.

Pinagsasabihan muna ang mga nakaharang na sidewalk vendor para umalis. Hindi muna kinumpiska ang mga paninda nila.

ADVERTISEMENT

Pero ang mga stalls na walang bantay, tuluyan nang ikinarga sa tow truck ng MMDA.

Wala namang magawa ang mga napagsabihan ng MMDA na alisin ang kanilang mga stall at paninda.

Pero aminado ang mga ito sa epekto sa kanilang kabuhayan. Panigurado na raw na wala silang kita ngayong araw.

Ayon kay MMDA general manager Frisco San Juan Jr., layunin nang clearing operations na maibsan ang traffic.

Kapansin-pansin kasi ayon sa MMDA ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga lugar na ito simula ng ilagay na sa Alert Level 1 ang NCR.

Aminado si San Juan na noong kasagsagan ng pandemya, hindi nila binantayan ang mga obstruction sa ilang kalsada tulad nitong sa may Service Road sa kahabaan ng Roxas Boulevard kaya dumami ang mga sidewalk vendor.

Ayon kay San Juan, regular na silang magsasagawa ng ganitong operasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.