Taytay muling binalik ang pisikal na pagdiriwang ng Hamaka Festival | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Taytay muling binalik ang pisikal na pagdiriwang ng Hamaka Festival

Anna Cerezo,
ABS-CBN News
Published Feb 11, 2022 08:04 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Matapos ang 2 taon, muling pinahintulutan ng lokal na pamahalaan ng Taytay, Rizal ang pisikal na pagdiriwang ng kanilang taunang Hamaka Festival.
Nagsimula ang piyesta kagabi Pebrero 10 at magtatagal ito hangang Pebrero 20.

Ito ang unang beses maaaring dumalo ang Taytayeños sa piyesta mula nang nagsimula ang pandemya.

Ayon kay Tourism chief Rod Santos, nagsimulang ipagdiwang ang piyesta na unang tinawag na Araw ng Pasasalamat nuong nakalaya ang lugar sa sakop ng mga Hapon.

Nang maglaon, pinalitan ito ng Hamaka Festival noong 1975 upang ipagdiwang ang hamba, makina, kasuotan, ang mga industriya na tumulong sa Taytay na makabangon mula sa mga naiwang epekto ng digmaan.

ADVERTISEMENT
Pero sa mga nakaraang taon ng pandemya, sa halip na makulay na mga parada, magagarang pageant, intramurals, at star-studded na live performances, ang 47th Hamaka Festival ay nakatutok sa pagpapalakas ng mga industriyang pinatay ng pandemya tulad ng garment sector.

Kwento ni Santos, karamihan sa mga aktibidad sa susunod na mga araw ay pagbibida ng mga damit at telang gawang Taytay.

Para makaiwas maging super spreader event, ang lahat ng aktibidad ay gaganapin sa Kalayaan Park.

Bago mag pandemya, hanggang dalawang libo ang kasya sa parke. Pero base sa IATF guidelines 70 percent o 1400 na katao lamang ang maaaring pahintulutan.

Gayun pa man, sabi ni Santos, nilimitahan ng LGU ang maaari dumalo sa 450 lamang.
Gayun pa man, sabi ni Santos, nilimitahan ng LGU ang maaari dumalo sa 450 lamang.
ADVERTISEMENT
At para kontrolado ang dagsa, pre registered ang mga ito.

May contact tracing form na kailangang sagutin ng mga nais dumalo at ito na rin ang magsisilbing ticket at entry card nila.

Mga fully-vaccinated lang din ang maaaring mag register.

Hanggang 9pm lang rin ang lahat ng aktibidad dahil istriktong pinapatupad pa rin ang 10pm curfew.

At dahil nga limitado ang maaaring makisalo, tulad ng nakaraang taon naka stream sa social media page ng public information office ng munisipalidad ang piyesta.