Rider patay sa banggaan ng motorsiklo, kotse sa Ortigas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rider patay sa banggaan ng motorsiklo, kotse sa Ortigas

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Dead on the spot ang rider ng isang motorsiklo matapos masangkot sa banggaan sa kanto ng Ortigas at Meralco Avenue sa Pasig City Lunes ng gabi.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Pasig Police traffic sector, binabaybay ng kotse ang kahabaan ng Ortigas Avenue at nagtangka itong mag-left turn papunta sa Meralco Compound bandang alas 10 ng gabi habang ang motorsiklo naman ay binabaybay ang westbound lane ng Ortigas Avenue.

Dahil sa lakas ng banggaan tumilapon pa umano ng ilang metro ang motorcycle rider at nawasak din ang motorsiklo nito.

Agad itong namatay dahil sa mga tinamong pinsala sa katawan.

ADVERTISEMENT

Rereviewhin naman ng mga awtoridad ang kuha ng mga CCTV sa lugar para malaman kung sino ang may kasalanan sa aksidente.

Nasa kustodiya na ng Pasay police ang driver ng kotse na sasailalim sa sobriety test upang malaman kung itoy lango sa alak.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang maaaring kaharaping kaso ng driver ng kotse.—Ulat ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.