9 barangay sa Naujan, Oriental Mindoro lubog sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

9 barangay sa Naujan, Oriental Mindoro lubog sa baha

9 barangay sa Naujan, Oriental Mindoro lubog sa baha

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 19, 2023 10:51 AM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dahil sa patuloy na paglaki ng baha, nagpasaklolo na ang mga residente ng Sitio Malarayap sa Barangay Pinagsabangan Uno sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro.

Pasado alas dose ng hatinggabi kanina nang irescue ng MDRRMO ang walong pamilya matapos na pumasok na sa loob ng kanilang bahay ang baha na hanggang bintana na ang taas.

Rumagasa na ang tubig dahil sa tuloy-tuloy na pag-apaw ng Mag-Asawang Tubig River. Ito ay bunsod nang ilang araw nang tuloy tuloy na pag-ulan dahil sa low pressure are at shear line.

Ayon kay Joery Geroleo, MDRRMO head, 9 na barangay ang lubog sa baha.

ADVERTISEMENT

Ito ay ang mga barangay ng Andres Ylagan, Santiago, Pinagsabangan 1, Pinagsabangan 11, Motoderazo, Buhangin, nagiba 1, Nagiba 2 at Masagana.

Kaninang alas kwatro ng umaga, hindi na rin madaanan ang bahagi ng Strong Republic Nautical Highway sa Barangay Pinagsabangan 11 dahil hanggang tuhod na ang baha.

Noon pang Pasko nagsimula ang pagbaha sa Oriental Mindoro na paminsan-minsan ay huhupa pero lilipas lang ang ilang araw ay raragasa na naman ang baha dahil sa nagkaroon na ng mga butas ang ilog mula sa orihinal nitong daluyan dahil sa hindi na kayanin ang tubig dahil mababaw na rin ang ilog.

Bukod sa lubog na mga bahay, pinakaapekto rin ang kabuhayan ng mga residente dahil lubog ang mga taniman lalo na ang palayan.

Umabot na sa P36 million ang halaga ng pinsala ng baha sa Naujan sa agrikultura mula pa noong December 19 hanggang nitong buwan ng Enero.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.