Gamot sa bilao? Paano makakaiwas sa pagbili ng pekeng gamot | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Gamot sa bilao? Paano makakaiwas sa pagbili ng pekeng gamot

Gamot sa bilao? Paano makakaiwas sa pagbili ng pekeng gamot

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA – Sa gitna ng pagtaas ng demand para sa mga gamot kontra sipon, ubo, at trangkaso, nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagkalat ng mga pekeng gamot sa merkado.

Ayon sa FDA, posibleng magkasakit o manganib pa ang buhay ng sinumang makaiinom ng pekeng gamot.

Pero paano nga ba malalaman ng mga konsyumer kung peke o lehitimo ang mga gamot na nabili nila?

Ayon kay Dr. Yolanda Robles na pangulo ng Federation of Asian Pharmaceuticals Association o FAPA, mahalagang makuha ng publiko ang kanilang mga gamot sa mga lisensiyadong botika.

ADVERTISEMENT

“I think una nating tingnan dito ay yung source ng gamot. I think we need to buy from legitimate sources yung mga kilala na nating, yung bang mga parmasya, kasi ang karaniwan naman yung mga peke ay humahanap ng, for example, sari-sari stores, yung mga tindahan na hindi naman lehitimong rehistrado sa FDA.”

“Kasi pag registered with FDA, ang tendency is FDA will run after them. Kaya matatakot sila na magbenta ng peke,” paliwanag niya.

Ayon kay Robles, importante na madaling malaman ng mga tao ang pinagmulan ng kanilang mga gamot.

“Kailangan malinaw kung saan yung source. Tapos pagtingin natin sa produkto, importante na hindi durog yun or what. Kasi walang quality control ang mga ano eh, yung mga ano, gumagawa ng pekeng gamot.”

“Atsaka importante rito ay malinaw yung, pwede nating itanong doon sa ating binilhan, produkto po ito ng ano? Kasi kung meorng mga kumpanya, pwede nilang i-check yan kung yan ba ay lehitimo.”

Dagdag pa ni Robles, dapat rekomendado ng mga eksperto ang binibiling gamot ng mga pasyente.

“Ganito yan, kailangan ay siguraduhin nila ay yung mga gamot na yun ay nirekomenda ng pharmacist kasi minsan, ang mga tao ano eh, nagrerekomenda lang basta-basta na hindi alam yung gamot mismo.”

Ayon sa doktora, mahalaga ring tingnan ng publiko ang mga impormasyong makikita sa label ng mga binibiling gamot.

“Kailangan importante, malinaw yung pangalan ng gamot, kung kunyari paracetamol, malinaw na 500mg. Dapat may nakalagay na expiration date. Kasi yung mga namemeke, minsan wala yang ano eh, expiration date. Kaya parang ang binibili mo ay hindi mo alam kung yaan ay may potency pa or may epekto pa or wala.”

“Kailangan na merong mga importanteng impormasyon sa label na dapat hanapin,” aniya.

“Ngayon kung bote naman ‘yan, mas maraming impormasyon na makikita mo sa bote kasi nand'yan yung batch number, lot number, yung manufacturing date atsaka expiration date.”

“Yung mga impormasyon na yun ay at least, more or less will tell us na yun ay ginawa ‘no nang proper at yun ay tumupad dun sa mga requirements ng FDA sa labeling,” paliwanag ni Robles.

Pero higit pa sa pagtingin sa label, mahalaga ring suriin ng mga konsyumer ang mismong gamot na kanilang binibili, ani Robles.

“Ang mga capsula naman hindi dapat, hindi kami dapat naglalabas ng mga capsula na merong damage ‘no yung kanyang itsura,” sabi ni Robles.

“And then another…ay yung weight ng gamot. Hindi naman 500 (mg) pero dapat consistent yan per capsule or per tablet. Kasi kahit yun aming ano eh, kahit yun dapat i-standard. Kaya dapat tingnan din nila yan.”

Ayon pa kay Robles, dapat ding pantay-pantay ang laki ng mga gamot sa isang banig ng mga tableta.

“Yung mga sizes, dapat standard kasi merong tinatawag na tableting machine. So dapat standard yung ano ba, yung nakikita mong sizes nung gamot.”

Dagdag pa niya, “Atsaka walang bungi, walang sabi natin na ano, yung damage, kasi ibig sabihin pag durog-durog yan, ibig sabihin, kulang sa binder, kulang sa isang ingredient.”

Payo ni Robles sa publiko, maraming maaaring mapagbilhan ng mura ngunit lehitimo at epektibong gamot sa Pilipinas.

“I think, dito naman sa atin, hindi naman lahat ng mura ay peke or hindi siya effective. Marami ring mga generic products na mura pero talagang epektibo. Kaya yun nga lang, kailangan may guidance ang ating publiko kung saan sila mismo bibili ng gamot.”

“Kaya huwag yung galing lang sa tabi-tabi ‘no o kaya merong iba naglalako, nasa bilao pa nga eh. Kaya importante, wag tayong bibili ng ganoon. Ang dami nang naloloko sa ganyan,” aniya.

“Marami rin tayong mga generic pharmacy ‘no, kaya yung mga generic pharmacy ayan ay isang source na pinanggagalingan, meron silang mga, yun bang mga arrangement with yung mga supplier kaya they could sell it at lower prices.”

“Kaya ‘wag natatakot ang mga tao na walang mura na mabisa na gamot,” paliwanag niya.

--TeleRadyo, 6 January 2022

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.