Pagbabalik ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pag-aaralan ng DOTr | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabalik ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pag-aaralan ng DOTr

Pagbabalik ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, pag-aaralan ng DOTr

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA—Pag-aaralan umano ng Department of Transportation ang maaaring pagbalik ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na nagkaroon ng bayad ulit para sa mga karaniwang mananakay.

Nagtigil-operasyon na kasi nitong Enero 1 ang 24/7 Libreng Sakay sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 ng LTFRB.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, maaaring bumalik ang libreng sakay sa carousel pero tatagal lamang ng isang buwan.

Aniya, sa service contracting program kasama ang libreng sakay at ayuda sa mga ruta na hindi kumikita. Nasa P2.1 bilyon lamang ang naibigay na pondo sa service contracting, kaya kulang na ito upang matustusan pa ang pagpapatuloy ng libreng sakay.

ADVERTISEMENT

Ani Bautista, kailangan nila gumawa ng feasibility study hinggil sa privatization ng EDSA Busway.

Batay sa fare matrix sa Carousel, P15 ang minimum na pasahe sa bus, P12 sa mga estudyante, senior citizens at persons with disability. Aabot naman sa P76 ang kabuuang pamasahe mula PITX hanggang EDSA Monumento, at may 20 percent discount para sa mga senior citizen, estudyante at PWDs.—SRO, TeleRadyo, Enero 2, 2023

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.