'Tao Po': Hairstylist ni Miss Universe PH Michelle Dee, kilalanin | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Tao Po': Hairstylist ni Miss Universe PH Michelle Dee, kilalanin
ABS-CBN News
Published Nov 28, 2023 08:48 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ang 28-year-old hairstylist na si Nelly Seboy ang nasa likod ng astig na short and wavy hairstyle ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe pageant na si Michelle Dee.

Kwento niya: "Collaboration kami ng makeup artist. Nag-iisip din ako kung paano siya gawin, kailangan bagay sa gown, tapos kinausap na namin si Mark Bumgarner, siya 'yung designer ni Michelle"

Bilang kliyente, hindi naman daw istrikto si Michelle.

"Gusto niya lang pulido 'yung gawa mo, maayos. Kailangan kung ano 'yung hairstyle mo sa kanya, ganoon lang."
"Gusto niya lang pulido 'yung gawa mo, maayos. Kailangan kung ano 'yung hairstyle mo sa kanya, ganoon lang."
ADVERTISEMENT
19 years old si Nelly nang lumuwas ng Maynila mula Surigao del Sur. Isang taon muna siyang namasukan bilang taga-alaga ng mga bata para makaipon ng pambayad sa pag-aaral ng hairdressing.

Si Camille Prats ang unang celebrity na naging kliyente niya at mula noon ay nagsunod-sunod na raw ang mga inalagaan nyang artista at beauty queen.

Hindi man naiuwi ni Michelle ang korona sa Miss Universe ay ipinagmamalaki pa rin siya ng kanyang team.

"Proud na proud kami. Masaya pa rin kami kasi kahit papano naibalik mo sa pagiging Top 10."

Ulat ni Lyza Aquino para sa programang Tao Po. (Nov. 26, 2023)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito.