'Tao Po': Nanay na naaksidente sa trabaho nabiyayaan ng bagong prosthetic leg | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Nanay na naaksidente sa trabaho nabiyayaan ng bagong prosthetic leg

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Walong taon nang gamit ni Nanay Ermenda Lumacad ang kaniyang artificial na binti.

Kuwento ni Lumacad, naaksidente siya sa trabaho at hindi na gumaling ang sugat na natamo mula rito dahil diabetic siya.

Hindi na rin siya nakabalik sa dating trabaho, at pagtitinda ng basahan ang ikinabubuhay ngayon.

Galing sa lokal na pamahalaan ang gamit niyang artificial leg. Mahirap na umanong gamitin ang kanyang prosthetic leg dahil luma na ito pero wala siyang kakayahan na makapagpagawa ng bago dahil sa kamahalan nito.

ADVERTISEMENT

"Wala rin akong pera kasi syempre nabigyan na ako ng tulong ng mayor. Nakakahiya naman din 'pag humingi ako ulit," aniya.

Sa tulong ng isang non-government organization at mga partners nito nabigyan si Lumacad ng pamalit na prosthetic leg.

Patuloy siyang lumalaban para sa pamilya at nais na magsilbing inspirasyon sa iba. "Para sa mga PWD na katulad ko, huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Kasi kahit sabihin mong putol o saan 'yung may problema kayo, huwag kayong mahiya. Hindi po ako susuko sa ganitong sitwasyon ko. Lagi ako kay Lord kasi hindi naman tayo pababayaan ng Diyos eh."

— Ulat ni Kabayan Noli de Castro para sa programang "Tao Po" (Agosto 6, 2023)

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.