KBYN: Paano nabubuo ang 'pugolot,' maliit na bersyon ng balot? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Paano nabubuo ang 'pugolot,' maliit na bersyon ng balot?

ABS-CBN News
Published Jul 31, 2022 09:30 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Ginagawang balot ng isang farm sa Tarlac ang itlog ng pugo na popular sa tawag na 'pugolot,' - pugo na balot.

Taong 2014 nang simulan ni Jovy Escoto ang pag-aalaga ng mga pugo.

"Nagsearch ako. Nakita ko 'yung pugo. A matter of, less than, more than a month lang nangingitlog na sila. So sabi ko, mabili 'yung return of investment. Nagtry muna ako ng small volume lang 1,000 which is ideal lang daw na i-start para i-try muna," kuwento ni Escoto kay Kabayan Noli de Castro para sa KBYN.

Aabot sa halos 30,000 pugo ang inaalagan niya sa kaniyang Jaje Farm sa probinsya ng Tarlac.

ADVERTISEMENT
Taong 2018 nang madiskubre at simulan ni Escoto ang paggawa ng mga pugolot. Mayroon rin silang mga penoy.

Inilalagay sa isang imbakan ang mga itlog ng pugo. Makalipas ang sampung araw, dinadala naman ang mga ito sa isang incubator.

Dito pinapanatili ang init na kailangan para i-develop ang itlog para maging pugonoy, pugolot, o sisiw.

Inaabot ng sampung araw sa incubator ang isang pugunoy o pugolot habang humigit-kumulang labimpitong araw naman para sa isang sisiw.

Dumadaan sa tinatawag na 'candling' ang mga maliliit na itlog na ito. Sa isang madilim na kuwarto, isa-isa nilang iniilawan ang mga itlog para matukoy kung ano ang pugolot o pugonoy.

Mayaman sa sustansya ang pagkain ng pugolot.

Ayon sa isang eksperto, maaaring araw-arawin ang pagkain nito.

"Sa isang araw po, kung kayo ay mataas ang cholesterol (level), kailangan tatlo lang po ang limitasyon. Kung hindi naman po mataaas ang inyong cholesterol sa dugo, puwede tayong kumain ng siyam sa isang araw," ani Renz Annika Daquiaog, clinical dietician ng East Avenue Medical Center.

Sa ngayon kumikita ang farm ni Escoto sa pagbebenta ng mga pugonoy, pugolot at pugo cull sa mga online resellers mula sa iba’t-bang lugar sa Pilipinas.

Pero pangarap niya na balang araw mas marami pang tao ang makaalam at makatikim ng pugolot.
Pero pangarap niya na balang araw mas marami pang tao ang makaalam at makatikim ng pugolot.
ADVERTISEMENT
Sa mga nagnanais na pasukin ang ganitong uri ng hanapbuhay, oras ang kinakailangang ilaan para magtagumpay dito.

"In any business naman, kailangan ng dedication. 'Yung sa pag-aalaga na hindi lang basta magput-up ka tapos ipapamanage mo sa ibang tao, bahala na sila. Kailangan, hands-on ka talaga," ani Escoto.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Pugo
Balot
Pugolot
Tarlac
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT