Presyo ng bigas sa ilang pamilihan mataas pa rin - watchdog

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

Presyo ng bigas sa ilang pamilihan mataas pa rin - watchdog

ABS-CBN News

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA—Nananatiling mataas ang presyo ng bigas sa ilang pamilihan kahit mababa ang bili ng palay sa mga magsasaka.

Ayon sa rice watchdog group na Bantay Bigas, ang pinakamababang presyo ng kada kilo ng bigas sa pamilihan ay nasa P38.

"Nananatiling mataas 'yung presyo ng bigas sa merkado given na anihan na ngayon at the same time napakababa ng presyo ng palay na pamimili ng mga traders at millers sa mga magsasaka," ani Bantay Bigas spokesperson Cathy Estavillo sa panayam sa TeleRadyo Huwebes.

Taliwas ito sa pangako ng gobyerno na posibleng bumaba ang kada kilo ng commercial rice dahil sa pagdagsa ng inangkat na bigas dala ng rice tariffication law.

ADVERTISEMENT

Ani Estavillo, nasa P9 hanggang P10 umano ang pamimili ng palay sa isang magsasaka sa Iloilo.

"Gamit ang rule of thumb, kung nabili ng P14 'yung palay ng mga magsasaka ay dapat merong P28 na bigas sa merkado. Kung P16, dapat P32. Wala tayong nakikita," aniya.

Hinahamon ng grupo si Agriculture Secretary William Dar na magpunta sa bukid para makita ang kalagayan ng mga magsasaka.

Tuloy rin ang kanilang panawagan na ibasura ang Republic Act 11203 o Rice Liberalization Law.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.