KBYN: Alamin ang isa sa pinakamalaking bakahan sa Pilipinas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
KBYN: Alamin ang isa sa pinakamalaking bakahan sa Pilipinas

ABS-CBN News
Published Oct 10, 2022 02:07 AM PHT
|
Updated Oct 10, 2022 03:50 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Matatagpuan sa San Jose, Batangas na kilala bilang 'Egg Basket Capital of the Philippines' ang isa sa pinakamalaking bakahan sa bansa.

Aabot sa 20 hektarya ang Juliana's Farm ni Rolando Lagaya na nagsimula 12 taon na ang nakararaan.

Wala sa plano ni Lagaya ang magparami ng baka.

Plano nila noon na makapagproseso ng organic fertilizer mula dumi sa mga inaalagaan nilang hayop.
Plano nila noon na makapagproseso ng organic fertilizer mula dumi sa mga inaalagaan nilang hayop.
ADVERTISEMENT
"Sa malayong lugar pa kami kumukuha ng dumi ng baka eh matrabaho tsaka magastos kaya sumubok na lang kami mag-alaga ng baka," kuwento niya kay Kabayan Noli de Castro.

Ang bakang nabili nila higit isang dekada na ang nakararaan ay kaya pang makapagbuntis ngayon.

Nang makitaan nila ng malaking potensyal ang pag-aalaga nito, pinasok na rin nila ang pagkuha ng baka mula sa ibang bansa.

Dahil mahal ang pag-angkat ng buhay na baka, semilya na lamang ang binibili nila.

Gamit ang artificial insemination, naghahanap na lamang sila ng surrogate mother na paglalagyan ng semilya ng imported na baka.

"So dito po nakalagay 'yung aming mga semilya, ang tawag po dito ay semens tank. Nandito po ang ating mga koleksyon ng ating mga semilya. Sa isang straw, hopefully, isang baka po 'yun. Ito po minemaintain ng liquid nitrogen," paliwanag ng farm manager na si Edgar Bueno.

Nasa 900 na ang bilang ng mga hayop na inaalagaan sa kanilang farm.

Bukod sa mga baka, mayroon na rin silang mga tupa at kambing.

Ginagawa na rin nina Lagaya ang nauna nilang ideya na paggawa ng organic fertilizer mula sa dumi ng mga baka at ipot ng mga manok.

Hindi tumitigil ang paggawa dito sa farm dahil ang finished product na organic fertilizer ay dinadala naman sa kanilang taniman para gawing pataba ng kanilang mga tanim na mais at iba pang halaman.

RELATED LINKS:
Read More:
Tagalog news
KBYN
Current affairs
Kabayan
Kabayan Noli de Castro
Noli de Castro
Baka
Cattle
Kambing
Tupa
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT