VIRAL: Mag-ina huling nagpaanod ng sandamakmak na basura sa baha | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Mag-ina huling nagpaanod ng sandamakmak na basura sa baha

ABS-CBN News
Published Oct 03, 2018 05:10 PM PHT
|
Updated Oct 03, 2018 08:48 PM PHT

Pinagmumulta at pinasasailalim sa community service ang isang mag-ina matapos mahuling nagtapon ng sandamakmak na basura sa baha sa Caloocan City.

Pinagbabayad ng tig-P1,000 at pinasasailalim sa 15 araw na community service at seminar sina Elena Paras, 65, at ang kaniyang anak na si Ian, 18, dahil sa paglabag nila sa isang city ordinance ng Caloocan at Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Nakuhanan kasi ng video ang dalawa na nagtapon ng basura sa baha na bunga ng malakas na pag-ulan sa Metro Manila noong Martes.

Pinatawag sila nitong Miyerkoles ni Jenette Manlapig, chairperson ng Barangay 69 sa Caloocan kung saan nangyari ang insidente.

"Huwag mo kako ako pagtaguan dahil papasundo kita sa mga tanod ko. Pagdating sa kalat na ganyan, nakakairita talaga," sabi ni Manlapig.

Sa kuha ng CCTV ng barangay, mapapanood si Elena na nagtapon ng isang sako at pitong plastik ng basura sa baha.

Makalipas ang ilang sandali ay nagtapon din ng basura sa baha ang kaniyang anak mula sa isang drum.

Nag-viral sa Facebook ang kuha ng CCTV matapos i-upload ng mga opisyal ng karatig-barangay na Barangay 67, na unang nakapuna sa pagtatapon ng basura. Mayroon na itong higit 1.2 milyong view at 35,000 shares.

"Nakita namin na ganoon ang nangyari, pinaanod sa baha ang basura. Hindi naman dapat ginagawa ng isang tao 'yon," ani Edgar Martin, kagawad sa Barangay 67.

"Ang pagtatapon ng basura ay pagmumulan talaga 'yan ng baha. Reklamo tayo nang reklamo, tapos sa sarili natin, pasaway naman tayo," dagdag ni Martin.

Ayon naman sa mag-ina, bumaha sa loob ng kanilang bahay kaya nagpasya silang itapon sa labas ang basura.

Pinagsisihan na raw nila ang ginawa.
Pinagsisihan na raw nila ang ginawa.
"Hindi po namin gagawin ulit. Tutulong na po ako sa paglilinis ng kanal namin," ani Elena.

"Humihingi kami ng kapatawaran sa mga nagalit sa amin sa nag-viral na video," sabi naman ni Ian.
"Humihingi kami ng kapatawaran sa mga nagalit sa amin sa nag-viral na video," sabi naman ni Ian.
ADVERTISEMENT
Nagbabala naman ang City Environment Management Department (CEMD) ng Caloocan sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar.

"Mahigpit ang batas natin sa pagtatapon ng basura. 'Pag nahuli kayo namin, walang patawad, huhulihin namin kayo,” sabi ni Edwin Kelley, sanitary inspector ng Caloocan CEMD.--Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
CCTV
viral
basura
Caloocan City
Ecological Solid Waste Management Act
baha
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT