Obra ng mga Pinoy artist sa Sweden, itinampok sa Philippine Embassy sa Stockholm | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Obra ng mga Pinoy artist sa Sweden, itinampok sa Philippine Embassy sa Stockholm

Obra ng mga Pinoy artist sa Sweden, itinampok sa Philippine Embassy sa Stockholm

Vangie Rebot | TFC News Sweden

 | 

Updated Jul 21, 2021 10:19 AM PHT

Clipboard

STOCKHOLM - Itinampok kamakailan ang mga obra ng mga Pinoy artist sa conference hall ng Philippine Embassy sa Sweden. Layon ng Embahada na maipakita ang talento ng mga natatanging Pilipino na naninirahan na sa Sweden.

Binuksan ang art exhibit sa Philippine Embassy hindi lang sa mga Pilipino at Swedes kundi maging sa ibang nasyonalidad, sa pakikipagtulungan ng Filipino Artist Association of Sweden o FAAS.

Mga Filipino Artist sa Sweden kasama si Consul General Raul Dado at ibang kawani ng Philippine Embassy sa Sweden

"We showcase Filipino artist in Stockholm, Sweden, here in this conference hall para makita ng taong bayan ang kagandahan ng ating talento, imagine it's a so far country pero nanduduon ang espiritu ng ating mga kababayan, 'yong painting art that we have today", pahayag ni Consul General Raul Dadong Philippine Embassy in Sweden.

Sa paintings ni Eklund makikita ang kanyang naging buhay sa Pilipinas, mga kaugalian at tanawin ng kanyang inang bayan.

ADVERTISEMENT

Mga painting sa exhibit, sumasalamin sa buhay ng mga Pinoy artist nung sila'y nakatira pa sa Pilipinas

"It's my way of telling my story, my way of telling people where I came from, I'm proud of the land where I came from, which is the Philippines and while I'm telling my story I also wanted to promote the Philippine culture here, where I live now, which is in Europe", sabi ni Emilia Eklund, isang entrepreneur at artist sa Sweden.

Bukod sa paintings, ipinakita rin ng exhibit ang malikhaing kamay ng ating Filipino artist sa paglililok at palayukan o pottery.

Hangad ng Philippine Embassy sa Sweden na makilala pa ng husto ang paintings, sculptures at pottery ng mga Pinoy Artist doon

Ang FAAS ay nagbibigay ng Internal Workshops para sa painting,sculpture at ibang kasanayan para sa mga Pilipino sa Sweden. Malaking tulong ang mga exhibit na ito ng embahda para mas lalong makilala ang talento ng mga Pinoy na alagad ng sining.

"I think by showing our dedication and our love for our craft, others will be inspired," sabi ni Aya Sunga Askert, Pangulo ng FAAS at Co-founder.

"On behalf of the Filipino Artist Association of Sweden, nagpapasalamat kami sa Embahada ng Pilipinas sa pagtulong sa amin para mai-showcase namin ang aming artworks na ipakita sa mga Pilipino at ibang lahi na bumisita dito sa embahada. Ito’y isang malaking hakbang para makilala kami," mensahe ni Helen Svendgaard, founder ng FAAS.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.