FACT CHECK: SM, itinangging nasira ang pundasyon ng gusali ng MOA | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
FACT CHECK: SM, itinangging nasira ang pundasyon ng gusali ng MOA

ABS-CBN Investigative and Research Group
Published Dec 08, 2023 07:03 AM PHT
|
Updated Dec 13, 2024 09:48 PM PHT

Mariing itinanggi ng pamunuan ng SM Mall of Asia (MOA) ang kumakalat na mensahe sa messaging apps at social media tungkol sa pagkasira diumano ng pundasyon ng gusali ng mall.

Mababasa sa kumakalat na mensahe ang babala na huwag pumunta sa MOA dahil sa posibleng panganib na dulot ng nasabing pagkasira.

“Wala muna po pupunta sa MOA ha….. Guys, avoid nyo din pumunta sa MOA. 1 of the Engineers is our family friend and pinatawag sila ng management dahil nasira na ang mga pondasyon sa ilalim causing the water from the bay to enter sa ilalim…”

Dagdag pa sa mensahe, pumping system na lamang ang tumutulak sa tubig na pumapasok sa mall pabalik sa Manila Bay. Maaari raw gumuho ang gusali ng mall kapag nasira ang nasabing pumps.

Pinabulaanan ito ng SM MOA sa pamamagitan ng isang post sa kanilang opisyal na social media account.

“The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations,” ayon sa post.

Dagdag pa nila, mayroon silang taunang inspeksyon sa gusali upang tiyakin ang tibay nito.

“Moreover, we also have rigorous annual checks to ensure the stability of the buildings so that at no time will the safety of our customers, tenants, and employees be compromised.”

Hindi ito ang unang beses na kumalat ang nasabing mensahe. Noong Enero at Nobyembre 2020, pinabulaanan na ito ng pamunuan ng SM at nai-fact check na ng news site na Rappler. Kung papansinin, walang ipinagkaiba ang kumalat na mensahe noong 2020 sa kumakalat ngayong 2023.

Hanggang ngayon ay walang matibay an ebidensiyang lumalabas na nagpapatunay sa mga kumakalat na impormasyon.

Sa huling tala ng ABS-CBN Fact Check Team, ang video ng mensahe na iniupload sa TikTok ay mayroon nang 1,006 likes, ishinare na ng 2,241 na beses, at ibinookmark ng 223 na beses.

Read More:
SM Mall of Asia
Mall of Asia
MOA
fake messages
recycled message
misinformation
disinformation