'Tao Po': Kilalanin ang batang go-kart racer na lumalaban sa ibang bansa | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Tao Po': Kilalanin ang batang go-kart racer na lumalaban sa ibang bansa

'Tao Po': Kilalanin ang batang go-kart racer na lumalaban sa ibang bansa

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 27, 2025 12:42 AM PHT

Clipboard

'Tao Po': Kilalanin ang batang go-kart racer na lumalaban sa ibang bansa
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Sa murang ang edad pa lang, nagpamalas na si Axel Nocom ng galing pagdating sa go kart racing.

Bata pa lang nang makahiligan niya ang mga laruang sasakyan na hindi naman inakala ng kanyang ama na ito pala ang magiging dahilan ng pang world class na talento ng anak.

Kwento ni Axel: "since four pa lang, nagpabili na po ako ng mga tomica, hot wheels. Nanood ako ng mga McQueen."

"Nung birthday niya noong five years old, binilhan ko siya ng cart na tawag doon, bambino cart. It's meant for five years old to mga seven years old... Gas-powered siya. Then, yun. Nagustuhan naman niya. So, from there, dere-derecho na," Dagdag ng ama niyang si Mike.

ADVERTISEMENT

Ang kanyang daddy Mike ang nagsilbing unang coach ni Axel na nagturo sa kanya ng tamang pagda-drive ng sasakyan.

"As time went on, yung gas ko, pabilis nang pabilis, yung parang mas inaapakan ko na. Umpisa kasi, parang 10 pa ako, parang 10 kph lang tinatakbo ko. Parang sa end, bumilis na ako 40 kph na," paliwanag ni Axel.

Sineryoso agad ni Axel ang ganitong klaseng sports dahil nagustuhan niya ang challenge na naibibigay nito lalo na kapag may kumpetisyon.

Seven years old siya nang unang sumali sa mga local competition. 11 years old naman siya nang sumabak na rin sa mga international competition.

Sabi ni daddy Mike, "Nag-start kami Asia muna. Subok sa around Asia, Malaysia, Thailand, Japan, iba-ibang Asian countries. Then, nung magte-twelve siya, doon na kami nag-start na nag-decide na, papunta na kami sa Europe. Sa Europe kasi, mas mahirap yung labanan kasi, tatlo lang yung position. Mas marami pa 'yung na-achieve niyang trophy is yung TTillotson Nations Cup trophy which third siya in Europe, sa Spain. That's against like 52 drivers in the world."

ADVERTISEMENT

Kahit bata pa, sigurado na si Axel sa pangarap na gusto niyang tahakin. Kaya patuloy siyang nagsusumikap para balang araw, isang Pinoy na tulad niya ang hihirangin sa sports na car racing.

Ulat ni Bernadette Sembrano para sa programang Tao Po. (January 26, 2025)

Mapapanood ang mga episode ng Tao Po dito

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.