SEA Games: Pilipinas, tinalo ang Malaysia sa ice hockey, 15-1 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SEA Games: Pilipinas, tinalo ang Malaysia sa ice hockey, 15-1

Arra Perez,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Nasungkit ng defending champions na Philippine Eagles ang kanilang unang panalo sa ice hockey, matapos ilampaso ang Malaysian national men's hockey team sa score na 15-1.

Sa kompetisyong ginanap sa ice skating rink ng SM Mall of Asia sa Pasay City, 4 na goals agad ang nagawa ng Philippine Eagles sa first period.

Sa second period pa nakakuha ng 1 puntos ang Malaysia, pero sunod sunod naman ang goals ng Philippines. Anim na goals ang nakuha ng Team Philippines kayat umabot sa 10 ang goals sa pagtatapos ng second period.

Pagtuntong ng third period, 2 goals agad ang nagawa ng Philippines sa loob lamang ng 13 segundo.

ADVERTISEMENT

Mahigit 3 minuto bago matapos ang laro, nakapuntos pa ng 1 ang Philippines, kayat umakyat ang goals nito sa 13.

Dalawa pang magkasunod na goals sa loob ng 6 na segundo ang nagawa ng Pilipinas, at pumalo na sa 15 ang goals.

Hindi naman na nakapuntos ang Malaysia.

Panay naman ang sigawan ng fans tuwing nakakascore ang mga kababayan.

Sa mga susunod na araw, makakatunggali naman ng Philippine Eagles ang Singapore, Indonesia at Thailand.

Nasungkit ng Pilipinas ang gold medal sa ice hockey noong 2017 Southeast Asian Games, habang bronze medalist naman ang Malaysia.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.