Mobile Legends: Malik aminadong 'kinabahan, na-pressure' sa MPL debut | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mobile Legends: Malik aminadong 'kinabahan, na-pressure' sa MPL debut

Mobile Legends: Malik aminadong 'kinabahan, na-pressure' sa MPL debut

ABS-CBN News

Clipboard

Bren Esports
Bren Esports' Mobile Legends rookie Mujahid "Malik" Malik. MPL - Philippines

MAYNILA— Kapansin-pansin ang ilang pagbabago sa Bren Esports sa pagkapanalo nila kontra Smart Omega nitong Biyernes sa Mobile Legends Professional League - Philippines.

Bukod sa ilang pagbabago sa hero pool, isinalang din sa unang pagkakataon ang rookie na si Mujahid "Malik" Malik bilang gold laner, gamit ang kaniyang Alice, para tulungan ang koponan na makuha ang kanilang unang pagkapanalo ngayong Season 8.

Sa isang post-match conference, nagbigay-saloobin si Malik tungkol sa debut niya bilang MPL player.

Aminado ang 17 anyos na tubong- Cotabato City na nakaramdam siya ng kaba at pressure lalo't Smart Omega ang kanilang nakalaban at nakataya rito ang kanilang unang panalo sa liga.

ADVERTISEMENT

"[Di] na ako makatulog... Sabi ko Omega na mamaya kailangan kong mag-prepare. Tapos noong pumunta kami dito [boot camp] siyempre kinakabahan ako tapos inaasar ako nila Kuya Ribs [Ribo] 'uy kinakabahan na si Malik' tapos noong game na talaga, noong picking, kinakabahan ako. Mas inaangat 'yung pressure sa akin. Nape-pressure ako," ani Malik.

"Tapos noong in-game chill lang naman. Wala namang kaba na naaano sa'kin pero nape-pressure ako kasi Omega 'yung kalaban at tsaka siyempre masayang-masaya ako tapos unang 2-0 pa ng Bren," dagdag niya.

Ang roster ng Omega ang nagtanggal sa Bren Esports sa play-offs noong season 7 ng MPL, nang nasa ilalim pa sila ng Execration.

Aminado naman si head coach Francis "Duckeyyy" Glindro na maigsi lang ang naging paghahanda nila kasama si Malik.

Pero aniya, ito na ang tamang oras para isalang ang rookie sa lineup ng Bren Esports.

"Eventually I decided na I think it's the right time na isalang si Malik dahil nakita namin na performer siya," ani Duckeyyy.

At kung tatanungin naman si Duckeyyy kung pumasa sa kaniya ang naging performance ni Malik: "Sa'kin 7 [Out of 10]. Marami pa siyang puwedeng iimprove and nasabi namin."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.