Pamilya ni Margielyn Didal, abot-langit ang ligaya sa tagumpay ng anak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamilya ni Margielyn Didal, abot-langit ang ligaya sa tagumpay ng anak

Jude Torres,
ABS-CBN News
Published Aug 29, 2018 05:58 PM PHT
|
Updated Aug 30, 2018 09:04 PM PHT

Abot langit ang kaligayahan ng pamilya ng atletang si Margielyn Didal matapos nitong makakuha ng gintong medalya sa 2018 Asian Games.

Masayang-masaya ang ina ni Margielyn na si Julie sa tagumpay na nakamit ng anak.

Ayon kay Julie, 13-anyos si Margielyn nang nahilig sa skateboarding.

Hanggang Grade 7 lang ang naabot ni Margielyn at hindi na nakatapos ng pag-aaral dahil sa hilig sa skateboarding.
Hanggang Grade 7 lang ang naabot ni Margielyn at hindi na nakatapos ng pag-aaral dahil sa hilig sa skateboarding.
ADVERTISEMENT
Ayon pa kay Julie, kasama niya si Margielyn noon sa kanyang pagtitinda ng kwek-kwek at tempura. Naranasan din umano ni Margielyn na magtitinda ng diyaryo at ice water para makatulong sa pamilya.

Ang nakatatandang kapatid ni Margielyn na si Judie, masaya rin sa tagumpay ng kapatid.

Katulad ni Margielyn, hilig rin ni Judie ang mag-skateboard at inspirasyon umano niya ang kapatid sa pagsisikap sa buhay.

Si Margielyn ay makakatangap ng premyong P6 milyon galing sa pamahalaan at hindi pa alam ng kanyang pamilya kung ano ang plano niya sa malaking perang napanalunan.

Magbibigay rin ang lokal na pamahalaan ng Cebu City ng P50,000 para kay Margielyn. Plano din nilang magbigay ng welcome celebration sa atleta.

Si Margielyn ay ang ika-apat na atletang Pinoy na nanalo ng gold medal sa 2018 Asian Games.