Mobile Legends: Bakit sinugod ni Nathzzz ang MSC trophy nang naka-medyas? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mobile Legends: Bakit sinugod ni Nathzzz ang MSC trophy nang naka-medyas?

Mobile Legends: Bakit sinugod ni Nathzzz ang MSC trophy nang naka-medyas?

Angela Coloma,

ABS-CBN News

Clipboard

Sinugod at binuhat ni Nathanael
Sinugod at binuhat ni Nathanael "Nathzzz" Estrologo ang trophy ng Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup matapos talunin ang RRQ Hoshi ng Indonesia. Kuha mula sa livestream ng MPL Philippines

Matinding gigil ang naramdaman ng RSG Philippines sa pagkapanalo ng titulo sa katatapos lang na Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Bukod kasi sa mga nagdududa sa kanila, matindi umano ang panunuya o pag-taunt sa kanila ng mga audience members sa Malaysia, na kung saan marami ay mga taga-suporta ng kalabang RRQ Hoshi, o kaya mga nais na sanang putulin ang dynasty ng Pilipinas sa international ML:BB scene.

Kaya naman sa oras na masira ang base ng RRQ Hoshi noong Game 4 ng Grand Finals ay agad sinugod ni Nathanael "Nathzzz" Estrologo ang kanilang trophy -- nang naka-medyas lang.

Agad niya itong binuhat gamit ang isang kamay at tuminign sa audience.

ADVERTISEMENT

Sa panayam sa ABS-CBN News, sinabi ng 16 anyos na EXP-laner na buhat ito ng gigil sa fans ng kanilang kalaban.

"Gusto kong palayasin 'yong mga toxic fans sa audience kanina. Kasi namba-bash sila noong nag-pause kami, tapos ayun," ani Nathzzz matapos ang kanilang panalo kontra RRQ Hoshi sa grand finals na ginanap sa Kuala Lumpur noong Linggo, Hunyo 19.

Matatandaang bahagyang tumigil ang Game 1 ng grand finals matapos ang drafting phase dahil sa isang technical issue -- bagay na madalas inaakusahan ng ilang miyembro ng international community bilang "pananadya" para maalis sa momentum ang kalaban.

Hindi na bagong nagpapakita ng matinding gigil ang mga pambato ng Pilipinas noong MSC dahil sa anila'y hostile na audience doon.

Sa katunayan, ang kakampi niyang si Jonard "Demonkite" Caranto, napamura pa matapos ang laban kontra Orange Esports. Naroon din ang pag-taunt ni Grant Duane "Kelra" Pillas sa audience, na aniya'y para sa parehong dahilan.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, matinding nadala sa emosyon si Nathzzz, na gumamit lang ng isang kamay para buhatin ang MSC trophy.

Ang tanong: Mabigat nga ba ito?

"Sakto lang. Nabuhat ko eh -- mas mabigat pa kaysa noong MPL - PH," ani Nathzzz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.